Lindsay De Vera, kakasuhan ang nasa likod ng fake news na nabuntis siya ni Dingdong Dantes

Lindsay De Vera, kakasuhan ang nasa likod ng fake news na nabuntis siya ni Dingdong Dantes

- Naghahanda na ang kampo ng Kapuso actress na si Lindsay De Vera para kasuhan ang nasa likod ng fake news na iniuugnay sa kanila ni Dingdong Dantes

- Kamakailan kasi ay naging maugong ang balitang siya ang tinutukoy na nabuntis umano ng mister ni Marian Rivera

- Nauna naman nang itinanggi ito ni Lindsay at sinabing walang katotohanan ang kumakalat na balita

- Nilinaw niyang kaya siya nawala sandali sa showbiz ay dahil prayoridad niya ang pagtatapos ng kolehiyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpaplano na ang aktres na si Lindsay De Vera na kasuhan ang tao sa likod ng pagpapakalat ng balitang nabuntis umano siya ni Dingdong Dantes.

Nalaman ng KAMI na naghahanda na ang kampo ni Lindsay at nagtatanong na umano siya ng proseso sa ilang abogado.

“Malakas po loob ko to tell them, to ask them to come forward with proof if they can. Patunayan po nila na nabuntis ako ni Kuya Dong,” ang hamon ni Lindsay sa mga nagpapakalat ng umano'y fake news.

Read also

Barbie Imperial sa nagpapakalat ng kanyang edited photos: "Ang lala niyo!"

Lindsay De Vera, kakasuhan ang nagpakalat na nabuntis siya umano ni Dingdong Dantes
Lindsay De Vera (Photo credit: @LindsayJohnstonOfficial)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"I encourage you. If you have proof na nabuntis ako ni Kuya Dong, please come forward and we will meet each other in court” dagdag pa ng Kapuso actress sa panayam sa kanya ni Lhar Santiago ng GMA News.

Paliwanag ni Lindsay, 2017 pa nang huli umano niyang makatrabaho ang kanyang "Kuya Dong" sa “Alyas Robin Hood".

Taong 2018 naman nang makasama siya sa cast ng "Victor Magtanggol" kaya imposible raw umano ang akusasyon sa kanyang nagdalang tao siya.

“Kung nabuntis po ako, dapat noong "Victor Magtanggol" pa lang nakikita na nila na lumalaki ang tiyan ko. But I still did projects, I still did guestings,” giit pa niya.

Ayon pa kay Lindsay, bahagya siyang nawala sa showbiz dahil sa tumututok siya ngayon sa kanyang pag-aaral. Prayoridad niya raw sa ngayon ang makatapos siya ng pag-aaral.

Read also

Carla Abellana inaming hindi sila parating sweet ni Tom Rodriguez

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ilang araw lang ang nakararaan nang una nang pabulaanan ni Lindsay na siya umano ang nasa blind item na young actress na nabuntis umano ng isang kilalang aktor at ito naman daw ay si Dingdong Dantes.

Maging si Lolit Solis ay dinepensahan sina Dingdong at Lindsay at sinabing wala umanong katotohanan ang nababalita.

Si Lindsay De Vera ay isang British-Filipina actress ng GMA Network. Napabilang siya sa mga Kapuso shows tulad ng “Alyas Robinhood”, “Encantadia”, “Victor Magtanggol”, at “The Better Woman”.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel