Barbie Imperial sa nagpapakalat ng kanyang edited photos: "Ang lala niyo!"

Barbie Imperial sa nagpapakalat ng kanyang edited photos: "Ang lala niyo!"

- Umalma na si Barbie Imperial tungkol sa mga edited photo niya na kumakalat online

- Muli niyang nai-post ang orihinal na larawan upang maipakita na edited na ang hindi na mapigilang kumakalat ngayon

- Aminadong "gigil" na umano sa sama ng loob ang aktres at nakiusap sa mga gumagawa nito na itigil na ang pagpapakalat ng kanyang larawan

- Matatandaang kamakailan, sina Sue Ramirez at Maris Racal ang nauna nang nabiktima umano ng edited nilang mga larawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naglabas na ng pahayag ang aktres na si Barbie Imperial kaugnay ng kumakalat na edited photo niya online.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi muli ni Barbie ang orihinal na larawan na nagamit ng di pa natutukoy na taong nag-edit ng kanyang litrato.

"Grabe, sobrang stupid naman. You really think I’ll post a photo like this? Sa lahat ng nagshashare nito, ang lala niyo," bungad ni Barbie sa kanyang IG post.

Scammer na makailang beses na nanloko ng delivery riders, arestado na
Barbie Imperial sa nagpapakalat ng kanyang edited photos: "Ang lala niyo!"

Photo: screengrab from Barbie Imperial's IG post
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang masaklap pa rito, may mga ilang tila naniniwala na siya mismo ang nagbahagi nito kaya naman siya pa itong naba-bash.

"Sa lahat ng nagbabash and madaming sinasabi sakin dahil sa picture na to, ang tanga lang," dagdag pa niya.

Hindi talaga napigilang maglabas ng sama ng loob ni Barbie at natatakot kung ilan pa o sino pa ang maaring mabiktima ng mga gumagawa ng malisyosong mga larawang ito.

"Ilang babae pa ang magiging biktima ng mga makikitid nyong utak?! Itigil nyo na, wala kayong ambag."

Matatandaang kamakailan lamang, naalarma rin ang mga aktres na sina Sue Ramirez at Maris Racal na una umanong nabiktima ng mga edited din nilang larawan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakakatuwang convo ng guro at HS student, kinagiliwan online

Si Barbie Imperial ay isang Filipina actress na unang nakilala sa "Pinoy Big Brother: 737". Tinagurian siya noong “Doll along the Riles of Albay”. Isa sa maituturing niyang malaking break sa showbiz career ay ang teleserye sa hapon kasama noon si JM De Guzman na “Araw Gabi”.

Kamakailan lang ay masayang inanunsyo ni Barbie ang masayang relasyon niya sa isa ring aktor na si Diego Loyzaga.

Suportado ito ng ina ni Diego na si Teresa Loyzaga na makikitang madalas din nilang nakakasama.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel