Scammer na makailang beses na nanloko ng delivery riders, arestado na
- Naaresto na sa Pasay City ang isa umanong scammer na makailang beses nang nambiktima ng mga delivery riders
- Nagpanggap din umano itong online seller subalit ang talagang naloloko niya ay ang mga delivery riders dahil pinag-aabono niya ito ng produkto
- Ang masaklap, pekeng produkto ang ginagamit nito at ibinibenta sa mas malaking halaga
- Nagtulong-tulong na ang mga riders na nabiktima nito lalo na at nakumpirma nilang iisang tao lang ang gumagawa nito sa kanila
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Natugis na ng pulisya ang umano'y kilabot na scammer ng Pasay City na si Renz Gutierez.
Nalaman ng KAMI na nagpapanggap umanong online seller si Renz at ang puntirya niya ay ang mga delivery riders na siyang magdadala ng kunwaring mga produkto niya.
Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng One PH, nagtulong-tulong na ang ilang mga delivery riders ng lugar na nakapansin umano sa modus ni Gutierez.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Papaabonohan kasi niya ang kunwaring produkto na ide-deliver ng mga rider. Ang siste, pekeng mga sapatos ang madalas nitong gamitin subalit ibebenta o paaabonohan sa mas malaking halaga.
Nasa pitong beses na nakapanloko ang suspek hanggang sa nakumpirma ng mga riders na iisang tao lamang ang nambibiktima sa kanila.
Aminado naman si Gutierez sa kanyang nagawa at sinubukan pang humingi ng tawad sa kanyang mga nabiktima. Gipit lamang daw siya kaya naisipan niya ang ganoong gawain.
Nanawagan din ang mga awtoridad sa iba pang naloko umano ni Gurierez para magreklamo lalo na at masasampahan na ito ng kasong estafa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ngayong panahon ng pandemya, isa ang delivery services sa produktibong hanapbuhay sa bansa.
Subalit kaakibat nito, may mga nabibiktima rin ng panloloko dahilan para malugi sila sa kanilang kinikita.
Matatandaang makailang beses nang may naiulat na delivery riders na naloloko ng prank orders at sabay-sabay na magdadatingan sa iisang address kung saan wala naman doon ang taong nag-order.
Ang ilan, nagmamalasakit na bilhin ang dala ng ilang riders upang maibsan lamang ang pagkalugi ng mga ito.
Hiling nila na itigil na ng mga kababayan nating tila walang magawa sa buhay ang ganitong gawain dahil nagtatrabaho sila ng marangal upang mayroong maisustento sa kani-kanilang mga pamilya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh