Raffy Tulfo, humingi ng tulong kay Jay Costura kaugnay sa kaso ng nawawalang seaman

Raffy Tulfo, humingi ng tulong kay Jay Costura kaugnay sa kaso ng nawawalang seaman

- Dumulog na si Raffy Tulfo sa kilalang psychic sa bansa na si Jay Costura kaugnay sa pagkawala ng isang seaman

- Duda kasi ng kapatid ng seaman na hindi ito nalunod at maaring may kinalaman ang asawa at iba nilang kaanak sa pagkawala nito

- Ayon kay Jay, nakita umano niya sa kanyang baraha na nasa malawak na lupain ang maaring kinaroroonan ng bangkay

- At ang lupain pang tinutukoy niya ay ang mismong lupain na pagmamay-ari ng nawawalang seaman

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humingi na rin ng tulong si Raffy Tulfo sa kilalang psychic sa bansa na si Jay Costura kaugnay sa pagkamatay at pagkawala ng isang seaman na si Marnel Bulahan.

Nalaman ng KAMI na ang kapatid ng seaman na si Nelmar Bulahan ang unang nagtungo kay Costura upang mabigyang linaw ang pagkawala ng kapatid.

OFW na nagbigay ng 2 kotse at sandamakmak na pera sa nobya, pinagpalit pa rin sa iba

Duda kasi ni Nelmar, may itinatago umano ang misis at mga kapatid nito sa pagkawala ni Marnel.

Raffy Tulfo, humingi ng tulong kay Jay Costura kaugnay sa kaso ng nawawalang seaman

Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Kaya naman kahit aminadong hindi naniniwala sa mga hula, kinausap na rin ni Tulfo si Costura sa pagbabakasakaling makapagbibigay ito ng linaw sa kaso ni Marnel.

Paliwanag din ni Tulfo, maging sa Amerika ay may mga recorded cases kung saan nakatulong ang mga psychic sa paglutas ng ilang kaso roon.

Ayon kay Costura, may nakita umano siyang tubig, kaanak at isang babae na paulit-ulit na lumalabas sa baraha.

"Base sa pinakita sa akin sa card, may money involved," pahayag ni Costura na lalong nagbigay ng kutob sa kapatid ng seaman dahil nakatanggap umano ng pera ang kanyang kapatid bago ito nawala.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa pagpapatuloy ni Costura, nabanggit nitong bagaman at tubig pa rin ang kanyang nakita, malinis na bota ang nagpakahulugan sa kanya na ang ibig sabihin ay hindi nalunod ang seaman gaya ng sinasabi umano ng pamilya nito.

Valentine Rosales ng Dacera case, sinabing nawalan siya ng trabaho at itinakwil ng ama

"Ipinakita sa akin doon na parang may nagpapagawa ng bahay, and then ang pinakita sa akin, nagulat ako kasi may nakita akong boots, pero sabi ko, bakit ganito ang boots, parang bago ang boots parang hindi siya nalunod."

Dahil dito, sinabi rin ni Costura maaring ang seaman ay naroon lamang sa kanilang lugar at binaon sa lupain na kanya mismong pagmamay-ari.

Narito ang kabuuan ng episode mula sa Raffy Tulfo in Action:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Mister, humahagulhol at 'di makakain mula nang 'di na umuwi ang misis

Noong nakaraang taon, naimbitahan ni Tulfo ang dalawang kilalang paranormal experts sa bansa na sina Ed Caluag at Ana Dela Cruz dahil sa mga kababalaghan umanong nagaganap sa kanilang opisina.

Maaalalang halos nagkatugma ang mga nakita nina Dela Cruz at Caluag kaya naman nasolusyunan na nilang hindi na sila muling gambalain ng nanggulo noon sa kanila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel