Mister, humahagulhol at 'di makakain mula nang 'di na umuwi ang misis

Mister, humahagulhol at 'di makakain mula nang 'di na umuwi ang misis

- Emosyonal na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang mister na hinahanap ang kanyang misis na hindi na umano siya inuwian

- Nagpaalam lamang daw ito na magtatrabaho kasama ang half-sister subalit nang tanungin ang sinasabing kapatid, hindi sila umano nagkita

- Magda-dalawang linggo nang hindi bumabalik ang misis kaya naman labis na ang pag-aalala ng kanyang pamilya

- Sinubukan ding tawagan ng 'Idol in Action' ang misis subalit binababaan lamang sila ng telepono

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Halos hindi makapagsalita dahil sa pag-iyak at paghagulhol ng mister na si Danilo Balayo nang dumulog ito sa programa ni Raffy Tulfo kaugnay ng pagkawala ng kanyang misis na si Teresita Balayo.

Nalaman ng KAMI na dahil di na makaimik sa kakaiyak ni Danilo, minabuti na lamang ni Atty. Garreth Tungol ng "Idol in Action" na kausapin na lang ang anak ni Danilo na si Arnel upang maisalaysay nito ang pangyayari.

Mister na nilayasan ng misis, kasama ang mga anak sa pangangalakal

Ayon kay Arnel, nagpaalam lamang ang kanilang ina na magtatrabaho kasama ang half-sister nito na si Rosa Ejercito.

Mister, humahagulhol at 'di makakain mula nang 'di na umuwi ang misis

Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Subalit dumaan ang mga araw na at hindi pa rin umuuwi si Teresita.

Labis na ang pag-aalala ng kanyang pamilya lalo na at hindi na nila makontak ang ina.

Dahil dito, madalas na umiiyak na lamang ang mister nitong si Danilo at hindi na raw makakain kakaisip kay Teresita ayon sa kanilang kanilang anak.

Nilinaw din ng pamilya na wala umanong alitan ang mag-asawa at wala umano silang nababalitaan kung may iba na itong lalaking kinakasama.

Kaya naman labis ang pagtataka nila kung bakit bigla na lamang itong hindi bumalik sa kanila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nang tanungin naman ang sinasabing kasama nito na si Rosa, hindi rin nito masagot kung nasaan nga ba si Teresita.

Raffy Tulfo, napahalakhak sa mga makukulit na salitang nasabi ng OFW

Sinubukan din ni Atty. Garreth na tawagan ang cellphone ni Teresita ngunit binababaan daw sila nito.

Hinala ni Atty. Garreth na maaring nasa maayos na kalagayan si Teresita subalit ayaw lamang makipag-usap o maari rin namang nangangailangan na ito ng tulong kaya tutulong ang programa upang mahanap ito.

Narito ang kabuuan ng episode mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bride, tuluyan nang kinasuhan ang kanyang groom na umurong sa kasal

Kamakailan, natulungan ni Tulfo ang isang lalaki na tuluyan nang hiwalayan ang kinakasama nitong nananakit sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel