Mister na nilayasan ng misis, kasama ang mga anak sa pangangalakal

Mister na nilayasan ng misis, kasama ang mga anak sa pangangalakal

- Isang mister ang matiyagang isinasama ang mga anak sa pangangalakal dahil iniwan na umano siya ng kanyang misis

- Bago pa mag-pasko nitong nakaraang buwan nang iwan siya ng misis gayundin ang dalawang anak nila

- Dahil dito napilitan siyang isama ang mga anak sa paghahanapbuhay dahil wala siyang mapapag-iwanan dito

- Isang vlogger ang nagmalasakit na tulungan ang mag-aama na hindi pa raw kumakain nang kanyang makita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang mangangalakal sa Pasig City ang napansin ng vlogger na si Denso Tambyahero dahil sa mga anak nitong sakay sa kanyang kariton.

Nang usisain ni Denso ang lalaki, nilayasan pala ito ng kanyang misis kaya wala raw siyang mapag-iwanan sa kanyang mga anak na may edad na tatlo at dalawa.

Nalaman ng KAMI na Disyembre pa ng nakaraang taon bago mag-Pasko nang lumayas umano ang misis ng nangangalakal na si Jay-R.

Read also

Ina ng may stage 5 chronic kidney disease, naluha nang matulungan

Mister na nilayasan ng misis, kasama ang mga anak sa pangangalakal
Photo: Screengrab from Denso Tambyahero's YouTube channel
Source: UGC

Kwento ni Jay-R, nagkaroon sila ng pagtatalo ng kanyang misis na bigla na lamang silang iniwan ng kanyang mga anak.

Subalit dahil sa kailangan niyang kumita para sila'y may makain, isinasama na lamang niya ang dalawang supling sa kanyang pagha-hanapbuhay.

Ayon pa sa ama, tatanggapin pa naman niya ang misis kung ito'y babalik pa sa kanya.

Subalit kung hindi niya, kinakaya naman umano niya na buhayin ang dalawa nilang anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Halos maluha ang lalaki habang ikinukuwento ang kanilang kalagayan na dumurog din sa puso ng vlogger.

Dahil dito, binigyan niya ng tulong ang mag-aama na hindi pa pala kumakain ng kanyang nakita.

Inalam din ng vlogger ang address ni Jay-R upang maabutan muli ng tulong.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Denso Tambyahero:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Events host, 10 beses nagparetoke magkaroon lang ng mga raket

Si Denso Tambyahero ay isa sa mga vlogger na ang motibo ay makatulong sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong.

Sakay ng kanyang motor, nakakahanap siya ng mga kapwa nating kapos-palad na nabibigyan niya ng biyaya.

Isa sa mga natulungan niya ang batang naglalako ng meryenda. Dahil sa online na ang kadalasang klase ng mga bata dahil sa pandemya, binigyan ni Denso ng CP ang masipag na estudyanteng tumutulong sa magulang niya sa paglalako.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica