Estudyanteng naglalako ng lumpia at tuna pie, nabigyan ng CP ng nagmalasakit na vlogger

Estudyanteng naglalako ng lumpia at tuna pie, nabigyan ng CP ng nagmalasakit na vlogger

- Natulungan ng vlogger na si Denso Tambyahero ang isang batang lalaki na naglalako ng lumpiang toge at tuna pie

- Napag-alaman kasi ni Denso na kaya nagtitinda ang estudyante ay upang makaipon siya ng pambili ng cellphone

- Gagamitin daw niya kasi ang naturang cellphone para sa kanyang online classes

- Walang pagsidlan ng kaligayahan ang estudyante nang iabot na sa kanya ang cellphone na handog sa kanya ng vlogger

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Halos di makapaniwala ang isang estudyante na naglalako ng lumpiang toge at tuna pie nang bigyan siya ng cellphone ng vlogger na si Denso Tambyahero.

Nalaman ng KAMI na minsan nang nausisa ni Denso ang batang si Edwhite at nasabi nitong kaya siya naglalako ay nag-iipon siya ng pambili ng cellphone. Gagamitin daw niya kasi ito sa kanilang online class.

Pulis sa viral video, nagsisisi sa nagawang krimen ayon sa Police official

Inakala niyang P3,000 lamang ang kanyang kailangan upang makabili ng smartphone na magagamit sa online classes ngunit ang pinakamura na raw talaga ngayon ay nagkakahalaga ng nasa P4,500.

Estudyanteng naglalako ng lumpia at tuna pie, nabigyan ng CP ng nagmalasakit na vlogger

Si Denso nang ibinigay na niya ang surpresa niyang smartphone para kay Edwhite Photo from Denso Tambyahero
Source: UGC

Kaya naman naisipan ng vlogger na ibili na si Edwhite dahil matagal-tagal pa ang pag-iipon nito kung ito'y kanya pang hihintayin.

Mababakas ang saya sa mukha ng estudyante. Bukod pa kasi rito, pinakyaw na ni Denso ang kanyang paninda nang araw na iyon at nagdagdag ng tulong pinansyal.

Maging ang mga food delivery riders na nasa lugar ay masaya para kay Edwhite dahil alam nilang mabuti at masipag na bata ito. Nararapat lamang daw na magantimapalaan ito sa anumang paraan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang ilan pa nga sa riders ay nag-abot din ng karagdagang tulong sa bata.

Ipinangako naman ni Edwhite na dahil sa mga biyayang natanggap, pagbubutihin niya ang kanyang pag-aaral.

10-anyos na batang di na napagbati ang mga magulang, pinasaya pa rin ni Tulfo

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel na Denso Tambyahero:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Denso Tambyahero ay isang YouTube content creator na kilala sa mga videos niya nagpapakita ng pagtulong sa kapwa nating hikahos sa buhay. Naka-motor si Denso at tumutulong talaga sa mga nadaraanan niyang taong pansin niyang labis na nangangailangan.

Kamakailan ay nabigyan niya ng maagang pamasko ang isang unan vendor na naglalako mula probinsya ng Rizal hanggang sa Makati City nang naglalakad.

Gayundin ang isang ama na inabutan na ng ulan sa pangangalakal dahil wala na umanong makain ang kanyang pamilya. Binigyan ni Denso ito ng bigas at perang panggastos sa mga susunod na araw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel