Ed Caluag, ipinaliwanag ang ilang kababalaghan sa programa ni Raffy Tulfo

Ed Caluag, ipinaliwanag ang ilang kababalaghan sa programa ni Raffy Tulfo

- Inimbitahan ni Raffy Tulfo ang kilalang paranormal investigator na si Ed Caluag sa kanyang programa

- Ito ay kaugnay sa mga di umano'y kababalaghang nangyayari sa kanilang opisina

- Nagsimula ito nang ang mismong mga netizens ay nakarinig nang animo'y bumulong sa isang episode ng 'Wanted sa Radyo' na hindi naman boses ng mga host

- Nagbigay ng mga detalye si Ed Caluag tungkol sa mga naramdaman niya at ang koneksyon nito sa co-host ni Tulfo na si Sharee Roman

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ed Caluag, ipinaliwanag ang ilang kababalaghang nangyayari sa opisina ni Raffy Tulfo

Ed Caluag (Phot from Ed Caluag's Official Facebook page)
Source: Facebook

Ipinaliwanag na ni Ed Caluag ang ilang mga kababalaghang di umano'y nagaganap sa programa ni Raffy Tulfo na 'Wanted sa Radyo'.

Nalaman ng KAMI na kumonsulta na sa ilang ekperto ang programa kaugnay sa mga 'bulong' na naririnig na sumisingit sa ilang episodes nila.

Ayon kay Caluag, pagpasok pa lamang niya ng gusali, nakasalubong na niya ang babaeng nagpaparamdam sa lugar.

Raffy Tulfo, ipasusuri sa eksperto ang di umano'y imahe ng babaeng nahagip sa video

Ito raw marahil ang nakita rin niya na 'blurred' sa may koleksyon ng mga sapatos ni Tulfo na nasa tabi lang ng kanyang mesa. Napanood daw kasi ito ni Caluag nang dalawang beses niyang inimbestigahan ang mga video.

Sinabi rin ng kilalang paranormal investigator ng bansa na isa ang babae sa mga naninirahan na sa gusali at tila humihingi ng tulong.

Mabigat at malungkot daw ang nararamdaman ni Caluag at ramdam niya ang presenya di umano ng babae.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bagaman at may ilang mga entity sa gusali, nilinaw ni Tulfo kay Caluag na taong sumakabilang buhay na ang babaeng nasa kanilang opisina.

Nilarawan din ni Caluag na tila 80's ang itsura ng pananamit ng babae. Base rin sa senaryong ipinakita nito sa kanya, waitress ito.

Nang makasalubong niya ito sa 9th floor ng opisina, umiiyak daw ito na siyang dahilan kung bakit mabigat na rin ang pakiramdam ni Caluag.

Raffy Tulfo, ikinuwento ang mga kababalaghang nangyayari na rin sa kanilang tahanan

Ang kapansin-pansin pa rito, maging ang co-host ni Tulfo na si Sharee Roman ay naramdaman ang bigat, at lungkot na sinasabi ni Caluag.

Sinabihan siya ng paranormal expert na huwag pigilin ang emosyon at maaring magpahiwatig ang babae na nakuha pa nila ang pangalan.

Narito ang kabuuan ng part 1 ng kaganapan sa pagdalaw ni Ed Caluag sa Raffy Tulfo in Action:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos na mapansin ng mga netizens ang mga episodes ng Raffy Tulfo in Action na may mga kakaibang 'bulong' na sumisingit habang live ang programa, ipinasuri na nila sa mga eksperto ang mga video clips.

Kabilang na rito ang paglapit nila sa sound engineer upang mabigyang paliwanag ang mga sumisingit na boses na ito ayon sa siyensya.

Kamakailan ay nabanggit na rin sa programang dumalaw si Ed Caluag at isa pang kilalang paranormal expert na si Ana Dela Cruz.

Audio Engineer, sinabing boses ng babae ang mga 'bulong' sa ilang video ng RTIA

Mas lalong nakilala ang dalawang paranormal investigators na ito nang makailang beses silang naimbitahan ng programang Kapuso mo, Jessica Soho.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel