25-anyos na dating janitor, Pinoy restaurant owner na sa Australia

25-anyos na dating janitor, Pinoy restaurant owner na sa Australia

- Isang 25-anyos na Pinoy ang isa na ngayong restaurant owner sa Australia

- Aminado siyang mula nang tumuntong sa nasabing bansa, marami na siyang pinasok na iba't ibang uri ng trabaho at isa na rito ang pagiging janitor

- Kasabay pa ng pagtatrabahong ito, ang kanyang pag-aaral kaya naman sadyang kahanga-hanga ang ipinakita niyang kasipagan

- At dala lamang ng kanyang pagsisikap at pag-iipon, naipatayo niya ang sariling Filipino Restaurant na "Salu-salo"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakabilib ang kwento ng tagumpay ng Pinoy na si John Andrew Dangca na isa na ngayong restaurant owner sa Australia sa edad na 25.

Nalaman ng KAMI na noong 19 taong gulang siya nang dalhin siya ng mga kamag-anak sa Australia.

Sa panayam ng 'State of the Nation' ng GMA News kay John, sinabi nitong wala siyang sinayang na sandali para lamang makatulong sa kanyang pamilya.

Read also

Rabiya Mateo, ikinuwentong ₱5 lang ang baon niya noong nasa elementarya pa

25-anyos na dating janitor, Pinoy resto owner na sa Australia
Photo from John Andrew Dangca
Source: UGC

Mula kasi nang tumuntong ito sa Australia, ipinagsasabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho.

Pinasok niya ang anumang uri ng cleaning job sa mga hotels, malls, mga bahay, at maging opisina.

Matapos na makakuha ng diploma course, pinasok naman ni John ang pagiging assistant sa isang home for the aged. Habang ginagawa niya ito, hindi pa rin siya bumitaw sa pagiging janitor.

“Maraming mga pagsubok katulad no’ng nakakatulog po ako doon sa train station. Dire-diretso po ako no’n papunta sa kabilang trabaho, ganyan. Sa bus, nakakatulog po. Parang doon na rin po ako nakakapagpahinga,” pahayag ni John.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang nakamamangha kay John, sa kasagsagan ng pandemya sa mundo noong nakaraang taon ay binuksan niya ang sarili niyang Filipino Restaurant na "Salu-salo."

Ito ay ang produkto ng ilang taon niyang pagsisikap at pagtitiyaga mula sa mga simpleng trabaho ng kanyang pinasok.

Read also

Jelai Andres, nagpanggap bilang taong grasa sa kanyang social experiment

Talagang nag-ipon siya ng pera mula sa iba't ibang hanapbuhay na kanyang pinasok para lamang sa negosyong matatawag na niyang kanya.

Naisama na rin ni John ang kanyang pamilya sa Australia kaya naman sa maagang panahon ay unti-unti na niyang tinutupad ang kanyang mga pangarap.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakatutuwang isipin na dumarami na ang mga kababayan natin sa ibang bansa na patuloy ang pagkamit ng tagumpay.

Habang ang ilan ay nakapagtatayo na ng sarili nilang negosyo, ang iba naman ay sinuwerte na manalo sa lotto ng napakalaking halaga ng pera.

Patunay lamang ito na ang Pilipino ay sadyang mapalad saan mang sulok ng mundo mapadpad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica