Rabiya Mateo, ikinuwentong ₱5 lang ang baon niya noong nasa elementarya pa
- Ibinahagi ng Miss Universe Philippines 2020 ang hirap ng pinagdaanan niya noong siya ay nag-aaral pa
- Aminado siyang salat siya sa ilang mga kagamitan lalo na noong elementarya at pumapasok siyang ₱5 lang ang kanyang baon
- Subalit hindi raw umano naging hadlang ang mga paghihirap niyang iyon at masaya siyang nag-aaral at pumapasok sa eskwela
- Bilang pagtupad niya sa dating naipangako, namahagi siya ng mga school supplies at tsinelas sa mga estudyanteng kinakapos sa mga kagamitang pampaaralan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ikinuwento ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo ang kanyang mga pinagdaanang hirap noong siya ay nag-aaral pa lamang.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Rabiya ang kanyang karanasan sa pag-aaral kung saan aminadong kapos siya sa mga gamit pampaaralan.
"When I was in elementary, I did not have much. I remember, I only had 5 pesos as my baon back then. I only had 2 notebooks for my 8 subjects. I used the same shoes from grade 4-6," pahayag ni Rabiya.
Aminado siyang wala silang internet at laptop na naggagamit at kinailangan pa niyang pumunta sa bahay ng kaklase para lamang manghirap ng mga pangkulay.
Sa kabila ng hirap na kanyang pinagdaanan, hindi raw umano ito naging hadlang kay Rabiya para mag-aral ng mabuti at maging masaya sa paaralan.
Dahil dito, naipangako niya sa kanyang sarili na sakaling maging matagumpay siya sa buhay ay sisiguraduhin niyang tutulong siya sa mga kabataang nararanasan ngayon ang dinanas niya noon.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ngayong Ambassador for Education na rin si Rabiya, nagsisimula na siyang maglibot sa mga paaralan sa iba't ibang bahagi ng bansa upang mag-abot ng tulong sa mga mag-aaral na kapos-palad.
Una na rito ang Zaragosa Integrated School sa Badian Island na tinatayang nasa 2-3 oras ang layo ng biyahe mula sa Cebu City.
Doon, nakapamahagi siya ng nasa 150 na pares ng tsinelas at mga school supplies.
Labis niyang pinasalamatan ang mga tumulong at naging sponsor ng programa upang mabigyan ng pag-asa ang mga mag-aaral na salat sa mga gamit pang-eskwela.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Rabiya Mateo ay isang beauty queen mula sa Iloilo City. Siya ang kauna-unahang nakoronahan bilang Miss Universe Philippines noong 2020.
Ngayong taon, siya ang kakatawan sa bansa para sa Miss Universe. Agad na siyang umani ng papuri sa kapwa niya beauty queen na si Pia Wurtzbach.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh