Jelai Andres, nagpanggap bilang taong grasa sa kanyang social experiment

Jelai Andres, nagpanggap bilang taong grasa sa kanyang social experiment

- Marami ang naaliw sa video ni Jelai Andres kung saan nagpanggap siya bilang isang pulubi

- Kinausap niya rin ang mga staff at may-ari ng isang tindahan kung saan niya ginawa ang social experiment

- Walang nakakilala sa vlogger dahil sa kanyang ayos ngunit may iilang mga taong nagbigay pa rin sa kanya kahit mukha siyang pulubi

- Bilang gantimpala, binayaran niya ang lahat ng mahahakot na grocery items ng taong mabait sa kanya sa loob lamang ng 30 segundo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na umani ng mahigit isang milyon na views ang video ng social experiment na ginawa ni Jelai Andres.

Para maitago ang kanyang itsura, nagbihis siya bilang isang taong grasa na may dala-dalang sako.

Aniya, kinausap niya ang may-ari ng tindahan at maging ang mga staff para sa kanyang ginawang video.

Hairstylist, nagbigay ng libreng gupit sa mga taong lansangan

Nang pumasok na siya sa tindahan, ipinakita niya ang mga taong hindi nag-atubiling magbigay sa kanya kahit madungis ang kanyang itsura at mukha siyang taong grasa.

Jelai Andres, nagpanggap bilang taong grasa para matukoy ang mga taong may mabuting puso

Photo from Jelai Andres (@jelaiandresofficial)
Source: Instagram

Bilang gantimpala ay binigyan niya ng 30 segundo ang mga ito para makapaghakot ng mga grocery items at siya ang magbabayad sa mga nahakot ng mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging ang mga staff ng nasabing grocery store ay kanyang binahagian ng biyaya na ikinatuwa at pinagpasalamat naman ng mga empleyado.

Sa huling bahagi ng video ay ibinahagi ni Jelai ang kanyang dinanas na diskriminasyon mula sa ibang tao.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nakilala sina Jelai Andres at Jon Guttierez dahil sa kanilang videos na nagviral sa Facebook. Si Jelai ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion.

Heart Evangelista, nais tulungan ang lalaking nanlimos matapos mawalan ng trabaho

Matatandaang nakipaghiwalay si Jelai kay Jon noong Marso 2019 matapos nag-viral ang kontrobersiyal na Facebook live ni Toni Fowler, ang itinuturong third party sa kanilang relasyon.

Matatandaang, kinakiligan ng kanilang fans ang Valentines Day date nila noong nakaraang taon matapos ang kanilang paghihiwalay.

Hindi tumigil si Jon sa panunuyo sa asawa para mapatawad siya umano nito at maibalik ang dati nilang pagsasama.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel