Hairstylist, nagbigay ng libreng gupit sa mga taong lansangan
- Nag-viral ang isang hairstylist sa Caloocan City dahil sa pagbibigay niya ng free haircut sa mga taong lansangan ng kanilang lugar
- Mula sa mga batang palaboy, maging maituturing na taong grasa at mga namamalimos, libre ang ginawang serbisyo ng hairstylist
- Ito raw ang paraan upang makatulong siya sa mga taong kapos at nangangailangan
- Mapapansin naman ang saya sa mga mukha ng kanyang naayusan at labis din ang pasasalamat sa kanyang serbisyo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Umantig sa puso ng marami ang mabuting gawain ng hairstylist na si Marko Bustarde sa mga taong lansangan ng kanilang lugar sa Caloocan City.
Nalaman ng KAMI na gawain ni Marko ang magbigay ng libreng haircut sa mga taong lansangan.
Ayon sa hairstylist, ginagawa niya ito tuwing day off niya sa trabaho. Naisip niya upang makatulong sa mga taong lansangan na walang sapat na pera para maipaayos ang kanilang mga buhok.
Mula sa mga batang palaboy, maging taong grasa, mga nangangalakal ay nabigyan ng libreng serbisyo ng hairstylist.
Mababakas naman ang saya sa kanyang mga nagupitan na labis na nagpapasalamat sa kanya.
Laking ginhawa raw sa kanila na magupitan at maayos ang kanilang buhok nang dahil sa kabutihan ni Marko.
Kaya naman, labis siyang hinangaan ng mga netizens at hangad na pamarisan pa siya ng marami.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Good job kuya! Sana marami ang tumulad sayo"
"Ito yung dapat tularan ng marami. Ginamit niya ang kakayahan niya para makatulong sa iba"
"Tumulong siya sa paraang alam niya at makapagbibigay pa rin ng saya sa iba"
"Tama yan kuya, marami sa kanila walang pera para makapagpagupit. Uunahin nila siyempre ang mga kumakalam nilang sikmura"
"Nakakatuwa po lalo na at at ang marami sa mga natulungan mo e talagang di na makakapunta pa sa barbero o parlor."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nakakatuwang isipin na sa kabila ng pandemya kung saan marami sa ating mga kababayan ang lalong naghikahos sa buhay, marami din naman ang nagmamalasakit at marunong na magbahagi ng kung ano ang meron sa kanila.
Tulad ni Marko, isa namang rider ang nagbibigay tulong sa mga taong nadaraanan niya sa kalsada na alam niyang hirap sa buhay lalo na sa kinahaharap nating krisis.
Ginagawa nila ito upang maghatid ng pag-asa sa ating mga kababayan na may mga taong handa pa rin namang magbigay tulong sa kanila lalo na sa oras ng pangangailangan.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh