Pinoy family sa Canada, nanalo sa lotto ng katumbas ₱2.2 billion
- Nanalo sa lotto ng katumbas ₱2.2 billion ang isang pamilyang Pinoy sa Canada
- Napanalunan nila ito mula sa online bet na kanilang ginawa sa 'Play Now'
- Ito raw ang pinakamalaking napanalunan sa history ng lottery sa Manitoba, Canada
- Kasama ng Pinoy ang kanyang misis, ina at tiyo nang kinuha nila ang napakalaking halaga ng perang napanalunan sa lotto
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Halos hindi makapaniwala ang Pinoy na si John Chua nang malamang nanalo siya ng CAD$60 million sa lottery ng Canada.
Nalaman ng KAMI na ang halagang ito ay katumbas ng ₱2.2 billion at ito ang ang pinakamalaking napanalunan sa kasaysayan ng lottery ng Manitoba, Canada.
“I thought it might be a Free Play or something. But it said $60 million—I was confused, so I checked on PlayNow.com when I got home,” pahayag ni John na tila naguluhan at 'di lubos maisip na nanalo siya ng ganoong kalaking pera.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ayon pa sa WCLC, di raw alam ni Chua na ang kanyang winning combination na 11, 21, 23, 25, 28, 41 at 43 ang may pinakamalaking halagang napanalunan sa Manitoba.
Kwento pa ng ina ni John, inakala niyang nagbibiro lang ang likas na palabiro niyang anak.
“He always plays jokes – he’s a joker, so I didn’t believe it,” pahayag ng ina ni John.
Isa ang ina ni John sa kasama nito sa pagharap nila sa media noong Pebrero 2 upang kunin ang kanilang napanalunan sa Western Canada Lottery Corporation (WCLC).
Narito ang kabuuan ng video ng pagkapanalo ni John mula sa Filipinos in Canada:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nito lamang nakaraang taon 2020, nanalo ang isa rin nating kababayan sa UAE sa lotto roon gamit ang pinakahuling pera niya.
Nawalan din ng trabaho ang kababayan nating ito kaya naman naging emosyonal siya nang malamang nanalo siya.
Ganoon din ang kapalaran ng kababayan natin na janitor sa Canada kung saan nanalo rin siya sa lotto ng CAD7M o katumbas ng ₱272 million.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh