Gamit ang 'last money' niya! OFW sa UAE, nanalo sa lotto ng nasa ₱4.5 million

Gamit ang 'last money' niya! OFW sa UAE, nanalo sa lotto ng nasa ₱4.5 million

- Maswerteng nanalo sa lotto ang isang OFW sa UAE gamit ang kahuli-hulihan niyang pera sa kanyang pitaka

- Dahil sa COVID-19, nahinto rin sa trabaho ang Pinay ng nasa tatlong buwan bilang pag-iingat sa virus

- At dahil wala na siyang kinikita, nakaisip siyang itaya ang natitirang pera sa lotto sa pagbabasakaling manalo siya

- Hindi naman siya nabigo at nanalo siya nang may katumbas na ₱4.5 million

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mapalad ang OFW na si Remedios Bombon na sa kabila ng kinahaharap na krisis ng mundo, naging milyonaryo pa siya.

Kwento ni Remedios, pansamantalang nawalan siya ng trabaho sa UAE dahil sa COVID-19.

Dati siyang housekeeper at bus attendant bago malagay sa lockdown ang kanilang lugar bilang pag-iingat sa kumakalat na virus.

Mahirap para kay Remedios dahil siya lamang ang bumubuhay sa kanilang pamilya sa Pilipinas.

Bed-ridden na kasi ang kanyang mister kaya naman bukod sa gastusin niya sa araw-araw, iniisip din niya ang pagpapadala sa kanyang pamilyang siya lang ang inaasahan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Dahil sa halos tatlong buwan siyang walang kita, nag-isip ng paraan si Remedios upang magkaroon ng pera at ito sa pamamagitan ng pagtaya sa lotto.

Pikit-mata niyang itinaya ang kahuli-hulihang pera na nagkakahalaga ng AED50 gamit ang numero ng kanyang kaarawan at kaarawan ng mga anak.

Ang dasal pa niya noon sa Diyos ay kahit apat na numero lamang ay sasapat na sa kanya.

Ngunit laking gulat niya nang pati ikalimang numero ay kanyang nasungkit.

Halos hindi siya makapaniwala dahil sa AED 333,333 ang inabot ng kanyang napanalunan o nasa ₱4.5 million.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Emosyonal si Remedios dahil naisip niya ang kanyang pinagdaanan bago siya magkaroon ng malaking halaga ng pera sa panahong hindi niya talaga inaasahan.

Makapagpapagawa na raw siya ng sariling bahay at ibabahagi din niya ang napanalunan sa kanyang mga kapatid upang magkaroon sila ng negosyo.

Narito ang kabuuan ng video ni Remedios:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel