Pinoy na Janitor sa Canada, nanalo ng $7M sa lotto

Pinoy na Janitor sa Canada, nanalo ng $7M sa lotto

-Tumataginting na $7M ang naiuwi ng isang Pilipino sa Canada matapos maka-jackpot sa lotto doon

-Katumbas na ito ng P272 million at plano nitong ilaan ang napanalunan sa kanyang pamilya

-Bagamat malaking halaga na ito, sinabi ng lotto winner na hindi pa rin siya titigil sa pagkayod

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tumataginting na 7 million Canadian Dollars ang napanalunan ng isang Pilipino sa Canada na napag-alamang nagta-trabaho bilang isang janitor.

Vito Halasan, 58-anyos ay residente sa Surrey ang maswerteng nanalo sa Lotto 6/49 noong April 27.

Ayon naman sa pahayag ng British Columbia Lottery Corporation (BCLC), sinabi raw ni Halasan na hindi pa rin ito titigil sa pagta-trabaho bagamat babawasan na ang oras ng kanyang pagkayod.

Base sa ulat sa ABS-CBN News, noong una ay 'di pa siya sigurado nang tignan ang kanyang ticket dahil sa malabong paningin.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"I remember scanning my ticket and seeing all these numbers. I have really blurry vision so I had to hold the ticket right up to my face. I couldn’t believe it," sabi pa ni Halasan ayon sa BCLC.

"He sat me down at the table and then he whispered really quietly to me that he won $7 million dollars. I didn’t believe him. We had to check online several times," sabi naman umano ng anak nitong babae.

Pangarap lamang daw ni Halasan ng maayos na pamumuhay para sa kanyang mga anak at mga apo mula nang tuluyan na silang manirahan sa Canada.

"I buy lottery tickets so I can dream. I dream of being able to take care of my kids and make their future better. Now we’ll be able to buy a nice house for my children and grandchildren," sabi pa nito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel