Mala-anghel na mukha ng batang sampaguita vendor, agaw pansin sa social media

Mala-anghel na mukha ng batang sampaguita vendor, agaw pansin sa social media

- Viral ngayon ang larawan ng mala-anghel na mukha ng isang batang naglalako ng sampaguita

- Isang concerned netizen ang nakakapansin sa bata sa tuwing dumaraan sila sa Katipunan corner Boni Serano

- Binibigyan na nila agad ito ng P100 bilang tulong sa bata na umulan man o umaraw ay naglalako pa rin ng sampaguita

- Hiling ng netizens na hindi mapahamak ang bata at mayroon pa raw sana itong pamilya na nauuwian matapos na maglako sa kalsada

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mala-anghel na mukha ng batang sampaguita vendor, agaw pansin sa social media

Photo: Honney RJ Balasabas
Source: Facebook

Agaw-eksena sa social media ang larawan ng isang batang babae na naglalako ng sampaguita sa kalsada.

Ibinahagi ito ng netizen na si Honney RJ Balasabas kung saan madalas daw nilang madaanan ang batang may mala-anghel na mukha na nagtitinda ng sampaguita.

Ayon pa sa mister ng nag-post kahawig daw ito ni Angel Locsin kaya naman talagang agaw-pansin ang maispag na bata.

Mahigit 10 delivery riders, nabiktima ng fake order sa Las Piñas

Nalaman ng KAMI na maaraw man o maulan, ay nasa lansangan ng Katipunan corner Boni Serrano ang bata at matiyagang naglalako.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Binibigyan na nga raw ng mag-asawa ang bata ng P100 upang makauwi na agad ito.

Sa una raw ay ibinibigay pa nito ang mga sampaguita sa mag-asawa na tinatanggihan naman ng mga ito para maibenta raw sa iba. Ngunit pilit na ibinigay ng bata para raw makauwi na siya.

Subalit sa mga sumunod na pagkakataon, alam na nitong ang mag-asawa ang "tumutulong" sa kanya kaya inilalako na lang niya ang dapat na nabili nang mga sampaguita.

Dalangin ng mga concerned netizens na ito na sana'y mayroon pang inuuwiang pamilya ang bata matapos niyang maglako sa kalsada.

Sana rin daw ay hindi ito mapahamak sa dami ng mga masasamang loob sa lansangan.

93-anyos na lolo, matiyagang tinuturuan ang mga apo kahit pa naka-magnifying glass

Narito ang kabuuan ng post:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakalulungkot isipin na sa gitna ng pandemya, mayroon pa ring mga batang napipilitang lumabas upang makatulong sa pamilya.

Tulad na lamang ng isang batang lalaki na naglalako ng mga basahan pandagdag kita sa kanilang pamilya. Mabuti na lamang at mayroong nagmagandang loob na bigyan naman niya ng tablet na magagamit niya sa kanyang online class kaya naibsan naman ang kanyang pagod at sakripisyo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel