Interview ni Kris Aquino kay Kim Chiu noong 2014, trending dahil sa mga meme

Interview ni Kris Aquino kay Kim Chiu noong 2014, trending dahil sa mga meme

- Muling naging usap-usapan ang emosyonal na panayam ni Kris Aquino kay Kim Chiu

- Pitong taon na ang nakakalipas simula nang i-ere ang nasabing panayam noong 2014

- Gayunpaman, dahil sa paglabas ng mga viral na meme, muling binalikan ng mga netizens ang nasabing video

- Sina Kris at Kim ay malapit sa isa't-isa at nagkatrabaho sa pelikunag "Etiquette of Mistresses"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi pa man nangangalahati ang taon ay muling naging kontrobersiyal si Kim Chiu. Ito ay matapos mag-viral ang mga meme ni Kris Aquino sa social media.

Napag-alaman ng KAMI na kuha ang mga kumakalat na meme sa isang panayam ni Kris kay Kim noong 2014 na pinamagatang "Kris TV: Emotional Kim recalls incident with reporter."

Dito makikita ang pag-iyak ni Kim dahil sa pagtatanggol na ginawa sa kanya ng kanyang mga tagasuporta.

Read also

Sarah Geronimo, trending matapos hindi makadalo sa anniversary ng ASAP Natin 'To

Interview ni Kris Aquino kay Kim Chiu noong 2014, trending dahil sa mga meme
Kris Aquino (Photo by Albert L. Ortega)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kumalat ang mga screenshot ng mukha ni Kris nang tanungin niya ang dahilan kung bakit naiyak si Kim.

Tila nahirapan naman si Kim na ibahagi ang kanyang saloobin habang nagiging emosyonal.

Matatandaang noong nakaraang taon ay naging masalimuot din para sa aktres. Matapos pumutok ang balita tungkol sa pamamaril sa kanyang van, nabatikos siya ng ilan dahil sa umano'y palabas lang ang nangyaring pag-ambush.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Kasunod nito, pinutakti din siya ng pambabatikos at pangungutya kaugnay sa kanyang pahayag kaugnay sa problema sa prangkisa ng ABS-CBN.

Panoorin ang panayam dito:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Read also

Viral na palaboy na na-makeover, nahanap ng nagpakilalang kaanak

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Sa kabila ng pananabik ng kanyang tagahanga na muli siyang mapapanood sa telebisyon, nagkaroon ng panibagong isyu sa nakatakda sana niyang talk show kasama sina Lolit Solis at Cristy Fermin.

Nilinaw ni Lolit Solis na hindi lamang nagkaunawaan ang kampo nila Kris Aquino at Cristy Fermin.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel