Sarah Geronimo, nag-trending matapos hindi nakadalo sa anniversary ng ASAP Natin 'To

Sarah Geronimo, nag-trending matapos hindi nakadalo sa anniversary ng ASAP Natin 'To

- Trending sa Twitter si Sarah Geronimo matapos ang anniversary special ng "ASAP Natin 'To"

- Marami sa mga netizens ang nagtataka kung bakit hindi nakasama ang Popstar sa espesyal na araw para sa Sunday noontime show

- Isang pagbati naman ang ibinahagi ng singer sa social media para sa ika-26 na taon ng ASAP

- Wala pang opisyal na pahayag mula sa panig ng Popstar at maging sa ABS-CBN kaugnay sa espikulasyong lilipat na si Sarah

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami sa mga tagahanga ni Sarah Geronimo ang nalulungkot dahil hindi nakasama si Sarah sa ika-26 na pagdiriwang ng anniversary ng ASAP Natin 'To nitong Linggo.

Kasunod nito ay agad na nag-trend sa bansa ang #WELOVEYOU SARAH G. Marami sa mga tagasuporta niya ang nananawagan sa muling pagbabalik ni Sarah sa ASAP.

Geneva Cruz, pumalag sa pambabatikos sa kanya ng ilang netizens

Samantala, sa gitna ng mga espikulasyong lumabas bunsod ng kanyang pagiging absent sa show, isang pagbati ang ibinahagi ni Sarah.

Sarah Geronimo, trending matapos hindi makadalo sa anniversary ng ASAP Natin 'To

Sarah Geronimo
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sarah Geronimo, trending matapos hindi makadalo sa anniversary ng ASAP Natin 'To

Twitter Local Trend
Source: Twitter

Hindi naman nakakabigla ang pag-trend ng pangalan ng mang-aawit dahil sa dami ng kanyang mga tagasuporta at tagahanga na kilala sa tawag na Popsters.

Sa kabila ng mga isyung ito, wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ng Popstar at ng ABS-CBN kaugnay sa tunay na dahilan ng ilang Linggong hindi napapanood sa ASAP si Sarah.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Samantala , sa isang panayam, ibinahagi ni Regine Velasquez na kagaya ng karamihan ay nami-miss niya na rin si Sarah na muling makasama.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Interview ni Kris Aquino kay Kim Chiu noong 2014, trending dahil sa mga meme

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

Matapos niyang maikasal kay Matteo Guidicelli, naging kontrobersiyal ang umano'y pagkakaroon nila ng tampuhan ng kanyang ina. Gayunpaman, sa concert nila ni Matteo kamakailan ay nagbigay siya ng madamdaming mensahe para sa mga magulang.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel