Sarah at Matteo Guidicelli, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa pamilya ni Sarah

Sarah at Matteo Guidicelli, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa pamilya ni Sarah

- Naging matagumpay ang "Sarah & Matteo Love, Lander" show ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli

- Naganap ang nasabing online show nitong Linggo ng gabi, August 30, 2020

- Kasama ng mag-asawa ang composer/arranger na si Louie Ocampo na tumugtog para sa kanilang mga awitin

- Naging emosyonal ang mag-asawa nang magbigay sila ng mensahe ng pasasalamat sa kani-kanilang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buhay na buhay pa rin ang kilig sa mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Bukod sa kanilang titigan ay puno ng pagmamahal sila para sa isa't-isa habang sila ay nag-uusap sa ilang bahagi ng "Sarah & Matteo Love, Lander" show na naganap ngayong gabi, August 30.

Nag-alay sila ng awitin para sa isa't-isa at nagbahagi ng mga positibong mensahe para umano maging mas magaan ang pagharap sa buhay ngayong panahon ng pandemya.

Bahagi ng kanilang mensahe ay ang pagbibigay pasasalamat sa mga tao at biyaya sa kanilang buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa sa pinasalamatan nila ay ang composer/arranger na si Louie Ocampo na nakasama nila sa show. Pinasalamatan ni Matteo si Ocampo sa paggabay at pagsuporta umano nito sa kanilang mag-asawa.

Para naman sa kanyang misis, nagpasalamat si Matteo sa inspirasyon na naibibigay nito sa kanya.

"My love, thank you for being you. You inspire me and show me what love really means. Let’s continue to grow and see the world together!

Hindi kinaligtaan ng mag-asawa na pasalamatan maging ang kanilang mga pamilya.

"And of course to our families. Love you to my daddy, my mama, and sa lahat ng aking mga dogs, I love you all so so so so much," ani Sarah habang pinipigil ang emosyon.

Nagpasalamat din si Matteo at binanggit ang tungkol sa kanilang pagpapahalaga sa kanilang pamilya.

"Thank you very much for loving Sarah and allowing Sarah to be who she is today. Without our families, we wouldn't be here. Maraming salamat," ani Matteo.

Pinasalamatan din ng aktor ang kanyang mga magulang sa pagtanggap at pagmamahal nila sa kanyang asawa.

"And Pa, Ma, thank you very much for loving Sarah like your daughter and making Sarah become one with our family. We truly appreciate it."

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte.

Sarah at Matteo Guidicelli, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa pamilya ni Sarah

Sarah Geronimo (Photo from Flickr)
Source: UGC

Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa "Star for A Night". Si Matteo Guidicelli ay isang sikat na aktor at endorser sa bansa. Ikinasal sila ni Sarah Geronimo noong Pebrero ng kasalukuyang taon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Makalipas ang ilang buwan, natuloy ang kanilang naudlot na honeymoon sa Amanpulo, Palawan. Naging usap-usapan din ang ilang litrato ng mag-asawa na kuha sa kanilang honeymoon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel