Kim Chiu, hindi napigilang mag-react sa viral na meme ni Kris Aquino

Kim Chiu, hindi napigilang mag-react sa viral na meme ni Kris Aquino

- Matapos mag-viral ng meme ni Kris Aquino na kuha mula sa isang panayam niya kay Kim Chiu, hindi napigilang magbigay ng reaksiyon ni Kim

- Dito din muling nakahanap ang ibang netizen ng pagkakataon na muling batikusin ang Kapamilya aktres

- Gayunpaman, hindi ipinakita ni Kim na ikinapikon niya ang ilang pang-aasar at pangmamaliit sa kanya

- Pabiro niyang sinagot ang viral na meme at nakisakay din siya at ginamit ang nausong linya mula sa nasabing panayam

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nagpaapekto si Kim Chiu sa pang-uuyam sa kanya sa muling pagkalat ng kanyang emosyonal na panayam noon.

Dito nagsimula ang pinakabagong usong meme ngayong kung saan makikita ang tila naguguluhang istura ni Kris Aquino habang tinatanong siya ng dahilan ng kayang pag-iyak.

Kim Chiu, hindi napigilang mag-react sa viral na meme ni Kris Aquino

Kim Chiu (Photo from Flickr)
Source: UGC

Pabirong sinagot ni Kim ito sa pamamagitan ng isang tweet. "Dyosko kayo talaga! Nahanap nyo to because???"

Viral na palaboy na na-makeover, nahanap ng nagpakilalang kaanak

Kinaaliwan ng netizens ang reaksiyon na ito ni Kim:

Because di ka nila KAYA. Ikaw lang ang SAKALAM Kimmy!
May bagong title na si ate Kim. Hindi na lang Queen of the Dance Floor kundi Queen of Memes na rin hahaha
Si Kim talaga yung tropa mong aasarin mo tas i-iembrace yung pang asar tas sa dulo ikaw yung maasar.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang noong nakaraang taon ay naging masalimuot din para sa aktres. Matapos pumutok ang balita tungkol sa pamamaril sa kanyang van, nabatikos siya ng ilan dahil sa umano'y palabas lang ang nangyaring pag-ambush.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Kasunod nito, pinutakti din siya ng pambabatikos at pangungutya kaugnay sa kanyang pahayag kaugnay sa problema sa prangkisa ng ABS-CBN.

Jowa Challenge nina Kiray Celis at Buboy Villar, kinaaliwan

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother teen edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Matatandaang nabatikos ang aktres kaugnay sa kanyang statement sa kasagsagan ng issue ng franchise renewal ng ABS-CBN kung saan nabuo ang kanyang awiting 'Bawal Lumabas.'

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel