Jowa Challenge nina Kiray Celis at Buboy Villar, kinaaliwan

Jowa Challenge nina Kiray Celis at Buboy Villar, kinaaliwan

- Kinaaliwan ng mga netizens ang Jowa Challenge ng magkaibigang Kiray Celis at Buboy Villar

- Ibinahagi nila kung gaano sila ka lapit sa isa't-isa bilang magkaibigan sa totoong buhay

- Ayon kay Kiray, ipinagpaalam niya sa kanyang boyfriend na si Stephan Estopia ang kanilang ginawang challenge

- Pumayag naman umano ito dahil malaki ang tiwala niya maging kay Buboy na kilala niyang malapit na kaibigan ng kanyang kasintahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi maipagkaila ang pagiging malapit ng magkaibigang Kiray Celis at Buboy Villar. Kaya naman sa kanilang ginawang Jowa Challenge ay hindi na nagkailangan ang dalawa.

Kuwento nila, kahit noong mga bata pa sila ay magkaibigan na sila at lagi silang nagbabahagi ng kanilang problema sa isa't-isa.

Ayon pa kay Kiray, hindi naging problema sa kanyang boyfriend na si Stephan Estopia ang kanilang challenge dahil ipinagpaalam niya umano ito at pumayag naman.

Read also

Toni Gonzaga, tuwang-tuwa sa kinalabasan ng pinaayos niyang toddler room ni Seve

Jowa Challenge nina Kiray Celis at Buboy Villar, kinaaliwan
Photo from Kiray Celis (@kiraycelis)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ibinahagi naman ni Buboy na bilang isang single dad ay hindi siya nagmamadali na makahanap ng makakarelasyon sa ngayon.

Masayang-masaya na siya umano sa kanyang dalawang anak sa dating kasintahang si Angillyn Serrano Gorens.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Matatandaang isinapubliko nila Angillin at Buboy ang tungkol sa kanilang paghihiwalay noong nakaraang taon. Gayunpaman, nanatiling maayos ang kanilang samahan bilang mga magulang ng kanilang dalawang anak.

Nauna nang binalak ng dalawa na magpakasal ngunit hindi na natuloy iyon at nauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

Maging sa kanyang mga vlog ay napupuntahan at nakakasama ni Buboy ang mga anak na nasa poder ng pamilya ni Angillin.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Read also

Tambalang DonEkla, kumuha ng isang bahay para sa kanilang pagvo-vlog

Si Kiray Celis ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang manalo siya sa Muntíng Miss U ng MTB. Naging bahagi siya ng Goin' Bulilit at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng Mara Clara, Luv U at Growing up.

Samantala, sa naunang vlog ni Kiray ay ibinahagi niya ang kwento kung paano nagsimula ang pag-iibigan nila ni Stephan.

Kamakailan lang ay pinagdiwang ng dalawa ang kanilang unang taon bilang magkasintahan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel