Tambalang DonEkla, kumuha ng isang bahay para sa kanilang pagvo-vlog

Tambalang DonEkla, kumuha ng isang bahay para sa kanilang pagvo-vlog

- Matapos ibahagi ang house tour sa kani-kanilang mga bahay na nabili, isang panibagong bahay ang kinuha ng tambalang DonEkla

- Ipinasilip din nila ang kabuuang bahagi ng bahay sa kanilang mga subscribers

- Nilinaw nilang hindi nila binili ang nasabing bahay ngunit rerentahan umano nila ito

- Kumuha sila ng isang bahay para mas mapadali ang kanilang paggawa ng mga content para sa kanilang YouTube channel

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila tuloy-tuloy ang buhos ng biyaya sa magkaibigang Donita Nose at Super Tekla. Matapos kasi ang kanilang pa-house tour sa kani-kanilang bahay na binili para sa kanilang mga pamilya, isang bahay pa ang kanilang kinuha para naman sa pag-vovlog nila.

Paliwanag nila, ito ang magiging bahay kung saan pwede nilang tirahan pareho. Gayunpaman, nilinaw nilang hindi nila binili iyon at rerentahan lamang nila.

Tambalang DonEkla, kumuha ng isang bahay para sa kanilang pagvo-vlog
DonEkla
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Jowa Challenge nina Kiray Celis at Buboy Villar, kinaaliwan

Tatlong palapag ang bahay kung saan mayroong kanya-kanyang kwarto sina Tekla at Donita na matatagpuan sa ikalawang palapag.

Sa ikatlong palapag naman ng bahay ay mayroon pang isang silid na binabalak nilang ipagamit sa anak ni Teklang si Aira.

Tinawag nilang Townhouse in Tandem ang nasabing bahay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Abot-abot naman ang pasasalamat ng magkaibigan sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanila na naging dahilan na maabot nila ang tinatamasang tagumpay sa pagvo-vlog.

Sa kasalukuyan umabot na sa mahigit dalawa at kalahating milyon ang subscribers nila sa kanilang YouTube Channel na Donekla in Tandem.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Si Donita Nose ay nakilala sa kanyang pagiging bahagi ng TV Show ni Willie Revillame. Kinalaunan ay sumikat ang tambalan nila ni Super Tekla at nakilala sa bansag na Donekla.

Read also

Vice, Ryan at Ion, ibinahagi ang saloobin sa pag-alis ni Direk Bobet Vidanes

Binansagan siyang Pambansang Beshy matapos ang pinakita niyang suporta kay Super Tekla nang minsang madawit ito sa matinding kontrobersiya kaugnay sa reklamo ng dati nitong kinakasama.

Kamakailan ay isa si Donita sa tumulong upang mapabinyagan ang anak ni Tekla sa dating kinakasama nitong si Michelle Banaag.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel