Vice, Ryan at Ion, ibinahagi ang saloobin sa pag-alis ni Direk Bobet Vidanes

Vice, Ryan at Ion, ibinahagi ang saloobin sa pag-alis ni Direk Bobet Vidanes

- Sa isang panibagong vlog ay buong prangkang inilabas ng tatlo sa "It's Sowtime" ang kanilang saloobin

- Ito ay kaugnay sa pag-resign at paglipat ng kanilang direktor na si Direk Bobet Vidanes

- Aminado silang tatlo na nasaktan sila sa biglang pag-iwan sa kanila ng direktor na tinuring nilang tatay

- Ayon pa kay Vice, magiging plastic siya kung sasabihin niyang wala siyang tampo sa ginawa ni Direk Bobet

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilang buwan mataps ang kontrobersiyal na pag-resign ng direktor ng It's Showtime na si Direk Bobet Vidanes, ibinahagi ng tatlo sa mga hosts ng noontime ang kani-kanilang saloobin.

Ayon sa kanila, nasaktan sila sa biglang pag-alis ng direktor na kanilang itinuturing na kanilang tatay.

Ayon pa kay Vice Ganda, kung talagang tinuturing nitong pamilya sila, sana ay napag-usapan man lang kung may pinagdadaanan ang direktor.

Read also

Tambalang DonEkla, kumuha ng isang bahay para sa kanilang pagvo-vlog

Maari umanong nakatulong sila o nagawan ng paraan para sana maayos kung may problema man itong kinakaharap noong panahong iyon.

Vice, Ryan at Ion, ibinahagi ang saloobin sa pag-alis ni Direk Bobet Vedanes
Vice Ganda (Photo from Flickr)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aminado si Vice na may tapo siya dahil bago pa man umano nag-resign si Direk Bobet ay katatapos lang ng anniversary ng nasabing noontime show at doon sinabi umano nilang walang iwanan kahit anupaman ang mangyari.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Kwento pa ni Ryan, si Vice ang unang nakiusap sa kanilang group chat na tulungan siyang pigilan si direk nang mapag-alaman nila ang tungkol sa pag-reresign nito.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang concert.

Read also

Jowa Challenge nina Kiray Celis at Buboy Villar, kinaaliwan

Kilala si Vice sa kanyang pagiging mapagmahal sa kanyang pamilya lalong-lalo na sa kanyang ina. Kamakailan ay binigyan niya ng mamahaling relo ang kanyang Nanay Rosario.

Naging emosyonal din si Nanay Rosario sa inihandang sorpresa ng anak para sa pagdiriwang ng kanyang ika-75 kaarawan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel