Misis, inaalagaan pa rin ang asawa na may leukemia kahit hiwalay na sila

Misis, inaalagaan pa rin ang asawa na may leukemia kahit hiwalay na sila

- Humanga ang marami sa isang misis na nagawa pa ring alagaan ang mister na may sakit kahit hiwalay na sila

- Pinupuntahan pa rin daw niya ang mister na nasa Tagaytay tuwing weekend upang makita ang kalagayan nito

- Katwiran niya, asawa pa rin niya ito at sila ang pamilya nito dito sa Pilipinas dahil foreigner ito

- Isa rin itong paraan upang iparamdam sa kanilang anak na mayroon pa rin siyang ama at pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang bumilib sa kwento ng isa sa mga panauhin ng 'Bawal Judgmental' na si Neri.

Nalaman ng KAMI na bagaman at hiwalay na si Neri sa kanyang mister, nagagawa pa rin niya itong alagaan lalo na ngayong meron itong isang uri ng leukemia.

Read also

Misis na nabawasan ng 20 kilos ang timbang, may Php50,000 mula sa naghamong mister

Kwento ni Neri, linggo-linggo niya binibisita ang mister kasama ang siyam na taong gulang nilang supling.

Misis, inaalagaan pa rin ang dating asawa na may leukemia kahit hiwalay na sila
Photo: Screengrab from Eat Bulaga
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Siya pa rin ang kasa-kasama ng dating mister kung magpapacheck-up ito at siya rin ang nakikipag-usap sa mga doktor.

Nakatira kasi ang mister sa kanilang bahay sa Tagaytay habang siya at ang kanilang anak ay naninirahan na sa Maynila sa poder ng kanyang ina.

Maaring marami raw na nagtataka kung bakit pa ito ginagawa ni Neri gayung hiwalay na sila ng asawa.

Katwiran niya, asawa pa rin niya ito at sila ng kanyang anak ang itinuturing nitong pamilya dito sa Pilipinas dahil isa itong foreigner.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ito rin ang isang paraan ni Neri upang iparamdam sa anak na mayroon pa itong ama na nangangailangan din ng kalinga nila.

Read also

Aljur abrenica, ibinahaging tuloy ang pag-uusap nila ni Kylie Padilla

Bukod sa pagbisita tuwing weekend, madalas din nilang katawagan at kausap ang mister para na rin kumustahin ang kalagayan nito.

Patuloy din niyang ipinagdarasal ang dating asawa dahil sa ngayon ay ninais nitong magpahinga muna sa kanyang chemotherapy sessions.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, nag-viral din ang nakamamanghang kwento ng pag-ibig ni Danny Cortezano at ang kanyang namayapa nang misis na si Lorna.

Ikinuwento rin ni Danny sa 'Bawal Judgmental' ang masasayang taon na nakasama niya ang misis hanggang sa huling sandali nito nito lamang Disyembre ng 2020.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Nagpakilig naman sa mga netizens sina Eugene at girlfriend nitong Lithuanian na si Vika. Naging panauhin din ang dalawa sa 'Bawal Judgmental' ng Eat Bulaga kung saan nila naibahagi ang kanilang love story.

Read also

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, idinetalye ang naganap sa kanilang engagement

Ang 'Bawal Judgmental' ay bahagi ng "Eat Bulaga", ang longest running noontime show sa Pilipinas. Ngayong 2021, ipagdiriwang na nila ang ika-42 taon sa telebisyon tuwing tanghali.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel