Love story ng 'foreignay' at BF sa Bawal Judgmental, nagpakilig sa netizens

Love story ng 'foreignay' at BF sa Bawal Judgmental, nagpakilig sa netizens

- Marami ang kinilig sa kakaibang love story nina Eugene at Vika nang maging panauhin sila ng Eat Bulaga sa "Bawal Judgmental"

- Mahigit tatlong taon na silang magkasintahan at naninirahan na rin ang 'foreignay' GF ni Eugene na isang Lithuanian

- Aminado silang muntik na nilang sukuan ang relasyon dala ng kanilang relihiyon subalit kinaya nila ang mga pagsubok na ito

- Sa ngayon, mayroon pa silang YouTube channel kung saan ibinabahagi nila ang lalim ng istorya ng kanilang pagsasama sa kabila ng kanilang pagkakaiba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinagiliwan ng marami ang cute na love story ng couple na sina Eugene at Vika na naging mga panauhin ng "Bawal Judgmental" sa Eat Bulaga.

Nalaman ng KAMI na sa Facebook lamang nagkakilala ang dalawa.

Kwento pa ni Eugene, hindi raw talaga si Vika ang kinakaibigan niya at inaakala niyang magiging nobya.

Read also

Lindsay De Vera, kakasuhan ang nasa likod ng fake news na nabuntis siya ni Dingdong Dantes

Love story ng foreignay at BF sa Bawal Judgmental, nagpakilig sa netizens
Sina Eugene at Vika Photo from Eat Bulaga
Source: Facebook

Subalit nang hindi siya nagtagumpay sa taong iyon, nahanap niya sa mga kaibigan nito si Vika.

"He's very kind and he's very talkative he knows how to have a good conversation," pahayag ng Lithuanian girlfriend ni Eugene na si Vika nang tanungin kung ano ang first impression niya noon sa nobyo.

Naninirahan na ngayon si Vika sa Pilipinas. 3 years at 6 months na ang kanilang relasyon na dumaan din sa maraming pagsubok.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Isa sa mga matinding pinagdaanan nila ay ang kanilang relihiyon na muntik nang maging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Ngunit dala na rin ng matinding pagmamahal nila sa isa't isa, napagtagumpayan nila ang pagsubok na iyon.

Sa ngayon, masaya paring nagsasama ang dalawa at mayroon pa silang YouTube Channel kung saan binabahagi nila ang kanilang masayang buhay bilang magkasintahan kahit na marami silang mga pagkakaiba.

Read also

Barbie Imperial sa nagpapakalat ng kanyang edited photos: "Ang lala niyo!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, isa ring kwento ng pag-ibig mula sa 'Bawal Judgmental" ang umantig sa puso ng marami nang ibanahagi ni Danny Cortezano kung paano tumagal ang relasyon niya kay Lorna kahit 34 taon ang agwat ng kanilang edad. Subalit kahit masaya at tumatagal ang kanilang pagsasama, binawian na rin ng buhay si Lorna bago matapos ang taong 2020.

Ang "Bawal Judgmental" ay bahagi ng longest noontime show sa Pilipinas na "Eat Bulaga". Mapapanood ito araw-araw mula Lunes hanggang Sabado sa GMA.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel