Misis na nabawasan ng 20 kilos ang timbang, may Php50,000 mula sa naghamong mister

Misis na nabawasan ng 20 kilos ang timbang, may Php50,000 mula sa naghamong mister

- Viral ngayon ang post ng isang misis na hinamon ng kanyang mister na magpapayat

- Php50,000 ang premyong natanggap ng misis nang nagawa nga nitong magbawas ng timbang

- Pumayat na siya mula 72 kilos na naging 55 kilos na lamang, nagkaroon pa siya ng pang-shopping

- Naaliw ang mga netizens na karamiha'y nai-tag na raw ang kanilang mister para sana'y gawin din daw ito sa kanila

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kinagigiliwan ngayon ang viral post ng misis na si Cris Cringol kung saan napagtagumpayan niyang magbawas ng timbang.

Nalaman ng KAMI na bukod pa rito, may premyo rin sa kanya ang kanyang mister umano na nagkakahalaga ng Php50,000.

Hinamon daw kasi siya nito na magpapayat at sa loob nga ng limang buwan ay halos 20 kilos ang nabawas sa kanyang timbang.

Read also

Viral na kwelang music teacher, muntik nang ma-kidnap: "Nagpanggap po siya na madre"

Misis na nabawasan ng 20 kilos ang timbang, may Php50,000 mula sa naghamong mister
Photo from Cris Cringol
Source: Facebook
"Hinamon. NagDiet and Exercise. Ni-sexy. Naka 50k. May 2021: 72 kilograms to October 2021: 55 kilograms"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito, pumayat na siya, nagkaroon pa siya ng pang-shopping. Samantala, hindi naman mapigilang mainggit ng ilang netizens na nai-tag na rin daw ang kanilang mister upang makaisip ito ng ideya para mabigyan sila ng motivation sa pagpapapayat.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Dapat talaga ganito ginagawa sakin ng mister ko e para pagsikapan ko talaga pumayat"
"Ay ok na ok ito kung hahamunin ako ng asawa ko ng gamito"
"Pumayat na nga siya, nagka-pera pa, Congrats po. kita nga ang difference in 5 months"
"Ang galing naman. sana ganito rin gawin ni Daddy sa akin para mabilis na akong papayat"
"Why not? Kahit hindi ganyan kalaki ang premyo"

Read also

Maricel Soriano, kinaaliwan sa pakikipagkulitan niya sa Beks Battalion

Kamakailan, nag-viral din ang post ng nobyo kung saan super proud sa pagiging praktikal ng kanyang fiancee na tumanggi sa enggrandeng wedding. Dahil dito, naisipan na lamang niya itong bilhan ng 6,000 sqm na lote sa Camotes Island.

Samantala, emosyonal namang ibinahagi ng isa ring misis ang kwento ng mister na nagawa pang ayusin ang kanilang tahanan bago ito pumanaw.

Sa kasamaang palad, pumanaw ang mister na mayroong stage 4 cancer subalit hand-on ito sa kada sulok ng kanilang bahay na kanyang pinagaganda at ginagawa bago siya mamayapa.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel