Mister na may stage 4 cancer, hands-on pa sa kanilang 'dream house' bago pumanaw

Mister na may stage 4 cancer, hands-on pa sa kanilang 'dream house' bago pumanaw

- Marami ang pinaiyak ng kwento nina Grace at Ramil sa kabila ng tagumpay nila sa pagkakaroon ng bagong bahay

- Si Ramil, tinamaan ng stage 4 cancer ngunit hindi ito nakapigil sa kanya upang abutin ang pinapangarap nilang bahay ng kanyang misis

- Lalong naging hands-on ang mister sa ipinagagawang bahay hanggang sa tuluyan na itong manghina dahil sa sakit

- Nito lamang Marso, sa araw mismo ng kanyang kaarawan ay pumanaw na si Ramil at iniwan nito ang maayos na tahanan sa kanyang misis na hanggang sa huli ay siya niyang iniisip

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Labis na nag-viral ang kwento ng mag-asawang sina Grace at Ramil na siya ring nagpaiyak sa marami.

Nalaman ng KAMI na sa kabila ng matinding pagsubok kung saan tinamaan ng stage 4 cancer si Ramil, unti-unti pa rin nitong ginagawa at inaayos ang tahanan nila ng kanyang misis.

Read also

Basel Manadil, sinorpresa ang isang mag-anak sa make over ng bahay nila

Very hands-on ang mister sa tahanan na bawat sulok halos ay siya ang nag-ayos.

Mister na may stage 4 cancer, naipatayo pa ang kanilang 'dream house' bago pumanaw
Photo from Grace dela Cruz Tan
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Bago pa man siya tuluyang lamunin ng iniindang sakit, dumiskarte pa ito ng pagnenegosyo ng lomi nang makalipat na sila sa Batangas.

Iyon umano ang kanilang pinagkakitaan gayung hindi na maaring makapagtrabaho ang mister bilang isang empleyado.

Hanggang sa tuluyan na siyang panghinaan dahil sa kanyang karamdaman, sinikap pa rin ni Ramil na maisakatuparan ang "happiest place on earth" sana nila ng kanyang misis.

Sa kasamaang palad, sa mismong araw pa naman ng kanyang ika-38 na kaarawan ay pumanaw na rin si Ramil. Iniwan na niya ang misis ngunit hanggang sa huli ay ang kaligayahan pa rin nito ang kanyang iniisip. Ito ay orihinal na naibahagi ni Grace sa Facebook Group na Home Buddies.

Narito ang kabuuan ng kwento nina Grace at Ramil na kanila ring naibahagi sa Kapuso Mo Jessica Soho.

Read also

Jeepney driver, napagtapos ng kolehiyo ang sarili sa isang unibersidad

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa rin sa mga sinubaybayang kwento sa Kapuso Mo, Jessica Soho ay ang tungkol sa 'baby switching' na naganap sa pamilya Mulleno at Sifiata.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Enero 31 nang isa-ere ng KMJS ang kwento ng hinihinala pa noong napalitang sanggol sa ospital. Marami ang naalarma at nabahala sa kwentong ito sa pag-aakalang sa pelikula lamang o teleserye nangyayari ang ganitong sitwasyon.

Umabot sa part 5 ang episode na ito ng KMJS kaya naman marami ang natuwa at "happy ending" naman ang kinahinatnan ng dalawang sanggol sa dalawang pamilya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel