Jeepney driver, napagtapos ng kolehiyo ang sarili sa isang unibersidad

Jeepney driver, napagtapos ng kolehiyo ang sarili sa isang unibersidad

- Viral ngayon ang kahanga-hangang kwento ng isang jeepney driver na napagtapos ang sarili sa dahil sa pamamasada

- Sa isang unibersidad pa sa Maynila siya nakapagtapos ng kolehiyo

- Matiyaga niya noong napagsasabay ang kanyang pag-aaral at pamamasada kaya naman nagpasalamat siya sa kanyang mga naging pasahero

- Ngayon, hindi lamang daw siya nagtapos sa pag-aaral kundi pati na rin sa pamamasada

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umani ng papuri ang dating jeepney driver na si Marvin Padilla Daludado matapos niyang mapagtapos ang sarili sa University of the East.

Nalaman ng KAMI na marami ang humanga kay Marvin dahil sa kanyang pagsusumikap na makapag-aral sa kabila ng kanyang pamamasada.

Kwento niya, hindi raw siya sana papayagan ng kanyang mga magulang na mamasada.

Jeepney driver, napagtapos ng kolehiyo ang sarili sa isang unibersidad
Photo from Marvin Padilla Daludado
Source: Facebook

17 taong gulang pa lamang daw kasi siya noon ngunit kalaunan ay nakumbinsi rin niya ang mga ito.

Read also

AJ Raval, ibinahaging maayos ang relasyon niya sa kanyang 17 kapatid

Ang pagsa-sideline bilang jeepney driver kasi ang kanyang paraan para makatulong sa mga ito upang hindi na raw ang mga ito mahirapan sa pagpapa-aral sa kanya.

Pinasalamatan niya ang lahat halos ng kanyang nakasalamuha sa pagiging tsuper ng jeep.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Mula sa kanyang mga guro, mga kaibigan at pati na rin ang mga kapwa niya jeepney driver.

Maging ang kaklase niyang tumutulong na rin sa kanya sa pagtatawag ng mga pasahero ay kanya na ring pinasalamatan.

Aniya, hindi lamang siya nagtapos ng pag-aaral, nagtapos na rin siya sa pagiging isang jeepney driver upang harapin ang bagong yugto ng kanyang buhay.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Malaking bagay na napagtapos ni Marvin ang sarili sa pag-aaral dahil sa pamamasada upang tuluyan na ring iwan ang sideline na ito.

Read also

Frontliner, hands-on pa rin sa kanilang online food business

Libo-libong jeepney driver na kasi ang naapektuhan sa tigil-pasada buhat nang mag-pandemya. Ang masaklap, mayroon pa sa kanilang nakulong dahil sa pag-aakalang sila ay nagpoprotesta ngunit paliwanag nila'y nanghihingi lamang sila ng tulong.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa rito ang 72-anyos na si Tatay Elmer Cordero na kasama umano sa Piston 6 na inakusahang nagprotesta sa EDSA Caloocan.

Makalipas ang ilang buwan, may nagmalasakit na patayuan ng sari-sari store si Tatay Elmer upang hindi na ito mapagod sa pamamasada.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: