72-anyos na tsuper na nakulong, nagbukas na ng kanyang sari-sari store
- Natupad na ang balak ng jeepney driver na magkaroon na lamang ng sarili niyang tindahan gayung hindi na rin siya maaring mamasada
- Matatandaang siya ay si Elmer Cordero, isa sa 'Piston 6' na nahuli noon dahil di umano sa protestang nagawa sa EDSA Caloocan
- Nilinaw naman ng kanilang mga kasamahang hindi protesta ang kanilang ginawa kundi paghingi lamang ng ayuda gayung ilang buwang wala silang kita dahil sa tigil pasada
- Dinagsa ng tulong si Tatay Elmer kaya naman nakapagbukas siya ng munting negosyo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Bukas na ang pinangarap lamang noon na sari-sari store ni Elmer Cordero, isa sa 'Piston 6' na nakulong dahil di umano sa protestang isinagawa nila sa EDSA Caloocan.
Nalaman ng KAMI na nakapagpatayo ng sariling tindahan ang 72-anyos na dating jeepney driver mula sa mga tulong na kanyang natanggap sa kanyang pagkakakulong.
Matatandaang naging kontrobersyal ang pagkakaditena sa kanila gayung ang hindi naman daw pagra-rally ang kanilang ginawa kundi paghingi lamang ng ayuda.
Hunyo 9 nang makapagpiyansa ang kampo ni Cordero sa tulong ng ilang mga nagmalasakit na siya ay tulungan ayon sa CNN Philippines.
Matatandaang naiwan pa ng ilang araw noon si Tatay Elmer dahil napag-alamang may kaso siyang estafa noong 2002 dahil lamang sa upa ng bahay na hindi niya noon nabayaran.
Nang makalaya, mas lalong dinagsa ng tulong si Tatay Elmer na ang tanging kahilingan lamang ay ang may kitain upang patuloy na masuportahan ang pamilya.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Marso nang sumailalim sa enhanced community quarantine ang Metro Manila dahilan upang matigil sa pamamasada ang mga tulad ni Tatay Elmer.
Tumagal pa ito ng ilang buwan kaya naman hindi nila naiwasang manghingi ng tulong dahil sa nagugutom na rin ang kani-kanilang mga pamilya.
Hulyo 31 nang ibahagi ng Rappler na sinisumulan nang ayusin ang munting tahanan ni Tatay Elmer upang mailagak na ang pinapangarap niyang sari-sari store.
Sa ulat ni Jervis Manahan ng ABS-CBN News, ipinakita ang munting tindahan ni Tatay Elmer na siyang pagkukunan na ng mga pangangailangan ng kanilang pamilya lalo na at hindi na makakabalik sa pamamasada ang dating jeepney driver.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Marami ang nadurog ang puso sa kinahinatnan ni Tatay Elmer lalo na at sa kanyang edad ay kailangan pa niyang maranasan ang makulong.
Dahil dito, marami naman ang taong nagpakita ng kabutihan sa kanya at isa na rito ang matulungin at mapagbigay na may-ari ng Sabrinacio Footwear na si Shiwen Lim.
Siya rin ang isa sa mga nagbigay daan upang tuluyan nang makalaya ang matandang tsuper.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh