Frontliner, hands-on pa rin sa kanilang online food business
- Kahanga- hanga ang isang nurse na nagagawa pa rin na magnegosyo sa kabila ng kanyang in demand na trabaho
- Sa tulong ng kanyang misis, patuloy pa rin ang kanilang online food business na naisipan nilang gawin lalo na ngayong pandemya
- Siya mismo ang namamalengke, nagluluto at nagde-deliver ng mga orders ng tumatangkilik sa kanilang ulam business
- Dahil dito, natutustusan pa niya ang iba pa nilang mga pangangailangan at may naitatago pang extra sakaling may kailangang paggamitan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nakakabilib ang 31- anyos na nurse na si Levi Dizon na nagagawa pa rin na rumaket sa kabila ng pagiging frontliner.
Nalaman ng KAMI na kahit 12 oras ang nilalagi na niya sa kanyang duty, naisipan pa rin niya at ng kanyang misis na si Fritzie na magkaroon ng food online business.
Si Levi mismo ang namamalengke, nagluluto at nagde-deliver na rin ng mga orders sa kanilang Beef pares at kansi.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Habang naghihintay ang misis niyang isa ring nurse na matawag sa mga ospital na kanyang nabigyan ng aplikasyon, katuwang ito ni Levi sa kanilang negosyo.
Pinakamahina na ang Php20,000 sa isang buwan ang kinikita ng dalawa sa negosyo.
Ayon kay Levi, malaking bagay na ito bilang karagdagang pantustos para sa kanilang pamilya.
Bagaman at marami ang sinasabing karagdagan allowances satulad niyang frontliner, hindi niya ito basta natatanggap dahil daw umano sa ilang mga kondisyon.
Kaya naman, hindi nagdadalawang isip si Levi na ipagpatuloy pa lalo nila ang negosyo lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Narito ang kabuuan ng kanilang kwento sa Reporter's Notebook ng GMA News:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tunay na kahanga-hanga ang determinasyon ni Levi bilang isang frontliner at negosyante.
Hindi biro ang kanyang trabahong kinakaharap sa araw-araw at ang stress na kinakaya dala ng pangamba ng COVID-19 sa mga ospital.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kaya naman nakalulungkot isipin na karamihan sa kanila ay hindi maiwasang dumaing sa sana'y karagdagang benepisyo na kanila raw umano'y dapat na matanggap.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh