Nurse, ibinahagi ang pagkalinga sa batang may COVID-19 at nagda-dialysis pa
- Ibinahagi ng isang nurse ang nakaantig pusong kwento kung paano niya kinalinga ang isang batang may COVID-19 at kinakailangan pa rin na mag-dialysis
- Narinig niya ang pagkabalisa ng bata, kaya naman agad niya itong pinuntuhan
- Kahit sinubukan niyang pakalmahin ito, tila hindi ito komportable kaya naman naisipan niyang gumawa ng "imaginary hand"
- Marami ang humanga sa nurse sa kanyang pamamaraan ng pagmamalasakit sa batang pasyente lalo na at hindi biro ang hirap na pinagdaraanan nito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang frontliner ng National Kidney and Transplant Institute ang nagbahagi ng kanyang nakakaantig ng pusong karanasan sa pagbibigay ng kakaibang kalinga sa isang batang pasyente.
Nalaman ng KAMI na isang Hemodialysis nurse si "Luna" na siyang nakapansin sa isang batang pasyente na bukod sa may COVID-19 ito ay kinakailangan pa ring sumailalim sa pagda-dialysis.
Kwento ni Nurse Luna, narinig niya ang animo'y panaghoy ng bata sa kabilang cubicle ng kanyang kinaroroonan.
"He was so anxious, fussy and even angry to not let anyone touch him. I lean towards the glass but I saw his furrowed brow, wrinkled forehead, closed eyes and angry appearance."
At dahil walang sinuman kahit na magulang ang pwedeng lumapit sa bata, agad ni pinuntahan ni Nurse Luna ang pasyente para pakalmahin ito.
"I walk closely beside him and approached this li'l patient. I wanted to distract him so he will stop cryin', suddenly I hold his hand but at that very moment, he don't want it."
Kahit na siya'y naroon, ramdam niyang hindi pa rin komportable ang bata. At doon naisip ng mapagkalingang nurse na gumawa ng "imaginary hand".
"So, I grab a pair of surgical gloves, tied it with finger interlace, comfort him with my imaginary hand"
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Laking gulat na lamang niya nang mapansing kumalma na ang bata hanggang sa ito ay tuluyan nang makatulog.
"It's like he was just so secured with those tiny softy hand touch that made him calm and sleep"
Ayon pa kay Nurse Luna, masasabing 'traumatic' para sa mga bata ang malagak sa ospital lalo na sa ganoong proseso ng gamutan.
Kaya naman ang kanyang bagong "therapeutic approach" na ito para sa mga pasyente lalo na sa mga COVID-19 patients ay malaking tulong para kahit na paano ay maramdaman nilang mayroong "kamay" na nakaalay sa kanila sa laban nila kontra sa nakamamatay na virus.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Masasabing mga bagong bayani ng ating panahon ang mga medical frontliners tulad ni Nurse Luna.
Nakalulungkot lamang isipin na sa kabila ng kanilang hirap at sakripisyo, may ilang mga frontliners ang talagang nakapagbubuwis ng kanilang buhay dala ng kanilang dedikasyon sa trabaho at sinumpaang tungkulin.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Ang ilan, sila pa mismo ang hindi nabibigyan ng kaukulang medikal na atensyon kung sila naman ang nangangailangan.
Kaya naman sa munting paraan natin ng pananatili sa bahay ay malaking bagay na para sa medical frontliners upang mabawasan hanggang sa tuluyan nang hindi kumalat pa ang bagsik ng COVID-19.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh