Lalaking nahuli kasabay ni Darren Peñaredondo, sinabing pinag-exercise sila
- Isang lalaking nahuli din na lumabag sa curfew ang nagsalita tungkol sa kanyang pinagdaanan
- Kasabay siya ng lalaking namatay matapos umanong pina-pumping ng 300 na beses
- Ayon sa lalaki, totoong pina-exercise sila ng mga pulis kagaya ng sinabi ng ka-live-in partner ng lalaking pumanaw
- Gayunpaman, nanindigan ang kapulisan sa nasabing lugar na wala silang pinagawang exercise sa mga nahuli nilang lumabag sa curfew
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang lalaki pa ang naglabas ng kanyang panig kaugnay sa pagkakahuli rin niya sa paglabag sa curfew sa General Trias, Cavite kamakailan.
Kasabay siya ni Darren Peñaredondo, ang lalaking binawian ng buhay ilang araw lamang matapos mahuli ng otoridad.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa isang eksklusibong panayam ng ABS-CBN news, sinabi ng lalaki na pinag-exercise nga sila matapos silang makinig ng lecture tungkol sa health protocols.
Aniya, kinailangan pang akayin ng mga kasama si Peñaredondo dahil sa sobrang sakit ng kanyang hita. Pautay-utay umano itong nakapaglakad.
Ayon naman sa ulat ng Rappler, sinabi ng forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun na stoke nga ang ikinamatay nito.
“Sa death certificate lumalabas na natural (due to disease). But was physical exertion a factor? Puwede, but you have to evaluate everything."
Matatandaang sa isang ulat ng GMA News ay ibinahagi ang video na kuha kay Pañaredondo na hirap na hirap gumalaw sa kanilang bahay.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 cases sa bansa, muling nagpatupad ng Enhanced community quarantine ang pamahalaan sa Metro Manila, isang taon makalipas ipatupad ang unang ECQ. Kabilang sa mga pinapatupad sa ilalim ng ECQ ay ang curfew kung saan nililimitahan ang maaring lumabas pagdating ng oras ng curfew.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Matatandaang bunsod ng curfew, isang insidente ang naging usap-usapan kamakailan. Ito ay ang tungkol sa viral na video ng pagsita ng isang kawani ng barangay sa delivery rider tungkol sa pagdeliver nito ng lugaw na ayon sa kanya ay hindi essential.
Kasunod nito ay humingi ng dispensa ang mga kawani ng barangay na sangkot sa isyu.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh