Pulis sa Cavite, itinanggi ang 300 push-up na parusa sa yumaong curfew violator

Pulis sa Cavite, itinanggi ang 300 push-up na parusa sa yumaong curfew violator

- Itinanggi ng General Trias Police ang umano'y parusa nila na pagpapa-pumping o push up sa mga curfew violators

- Ito ay matapos mag-viral ang sinasabing ikinamatay ng isa sa mga naging curfew violator noong Huwebes Santo

- Ayon sa chief of police ng General Trias, wala silang physical exercise na pinagagawa bilang kaparusahan sa mga lumalabag sa curfew at pawang lecture ang ginagawa nila at ilang paglilinis sa lugar

- Samantala, naglabas ng video ang live-in partner ng biktima na nagpapakita ng sinapit ng lalaki bago ito pumanaw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon sa social media ang post ni Adrian Luceña tungkol sa umano'y kamag-anak nitong si Darren Peñaredondo na pinag-pumping umano nang mahuli na lumabag sa curfew sa General Trias sa Cavite.

Nalaman ng KAMI na noong Abril 1, Huwebes Santo nang mahuli si Darren dahil bumili pa raw ito ng tubig kahit curfew hours na.

Read also

Lalaking lumabag sa curfew at umano'y pinag-pumping, na-coma at pumanaw din

Bilang parusa, pinag-pumping daw sila ng 100 beses na umabot sa bilang na 300 dahil kailangan daw sabay-sabay sila ng kanyang mga nakasama.

Pulis sa Cavite, itinanggi ang 300 push-up na parusa sa yumaong curfew violator
Photo from Pixy
Source: UGC

Makailang beses din daw na natumba si Darren habang isinasagawa ang parusa sa kanila.

Dahil dito, Biyernes na noong Abril 2 nang makauwi si Darren at hirap na rin daw itong maglakad.

Sa video na ibinahagi ng kanyang live-in partner na si reichelyn Balce, makikita na halos hindi na makatayo si Darren at hirap na hirap na ito sa pag-akyat ng hagdanan na halos hindi na niya magawa.

Kwento pa ni Reichelyn, tumirik na ang mga mata ng nobyo at nanigas na rin ang buong katawan nito.

Nadala pa nila sa pagamutan ngunit sa kasamaang palad, pumanaw na rin ito noong linggo makalipas ang ilang araw ng iniinda niyang sakit ng katawan dala raw ng 300 beses na pumping na ipinagawa sa kanila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Read also

Barangay chairman sa video na hinarang ang mga delivery riders dahil "curfew" na, viral

Sa panayam naman ng GMA News sa hepe ng General Trias Police na si P/Lt. Marlo Solero, mariin nitong itinanggi na wala silang ganoong klaseng kaparusahang ipinagagawa sa mga curfew violators.

"As to pag-exercise po, wala po kaming ipinapagawang ganoon, tulad ng binanggit ko sa inyo, ang ginagawa namin dito, yung team namin nagpo-provide ng lecture sa mga ito"
"Before sila i-turnover sa kanilang respective barangays nila minsan pinaglilinis namin sa harap ng munisipyo, harap ng police station, magpulot ng mga basura, as part of their community service"
"So wala po kaming physical exercise na ipinapagawa sa kanila"

Nilinaw naman ng pulisya na pai-imbestigahan nila ang nangyaring ito. Sa ngayon wala pang pormal na reklamo ang pamilya ng pumanaw at wala pa rin umanong death certificate na nailalabas ang ospital kaugnay sa dahilan ng pagkamatay ni Darren.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Raffy Tulfo, muling nanawagan kay DOH Sec. Francisco Duque; "Resign, c'mon!"

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay nag-viral din ang video na ibinahagi mismo ng isang delivery rider na hindi naihatid ang pagkain dahil hinarang na rin siya ng barangay tanod dahil sa oras na ng curfew na ipinatutupad.

Naging kontrobersyal pa lalo ang video nang iginiit ng babaeng tanod na hindi maituturing na "essential" ang lugaw gayong isa itong pagkain.

Mabilis itong nakarating sa Malacañang kung saan nilinaw mismo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kasama ang lugaw sa essential goods bilang isa itong pagkain at wala dapat makaantala sa operasyon at serbisyo ng mga tulad nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica