Lalaking lumabag sa curfew at umano'y pinag-pumping, na-coma at pumanaw din

Lalaking lumabag sa curfew at umano'y pinag-pumping, na-coma at pumanaw din

- Viral ngayon sa social media ang sinapit ng isang lalaki na matapos na lumabag sa curfew at pinag-push up ng nasa 300 na beses

- Nahuli ito ng Huwebes ng gabi dahil sa pagbili niya ng tubig kahit oras na ng curfew

- Alas otso na ng umaga noong Biyernes siya nakauwi ng bahay dahil hindi na halos siya makalakad

- Kinumbulsyon pa raw ito noong Sabado ngunit agad na-revive at na-comatose pa

- Subalit nito lamang Linggo, binawian na rin ito ng buhay ayon sa kanyang kamag-anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon sa social media ang post ni Adrian Luceña tungkol sa umano'y kamag-anak nitong si Darren Manaog na pinag-pumping nang mahuli na lumabag sa curfew sa General trias sa Cavite.

Nalaman ng KAMI na noong Abril 1 nang gabi nahuli si Darren dahil bumili pa raw ito ng tubig kahit curfew hours na.

Read also

Barangay chairman sa video na hinarang ang mga delivery riders dahil "curfew" na, viral

At bilang parusa, pinag-pumping daw sila ng 100 beses na umabot sa bilang na 300 dahil kailangan daw na sila ng kanyang mga nakasama ay sabay-sabay.

Lalaking lumabag sa curfew at pinag-pumping, na-coma ngunit pumanaw din
Photo from Pixy.org
Source: UGC

Makailang beses din daw na natumba si Darren habang isinasagawa ang parusa sa kanila.

Dahil dito, Biyernes na noong Abril 2 nang makauwi si Darren at hirap na rin daw itong maglakad.

Ang masaklap pa sa umano'y nangyari, makailang beses siyang kinumbulsyon at pilit lamang daw itong nakaka-revive.

Sa sama ng pakiramdam ng biktima, na-comatose pa raw ito at hindi nagtagal ay binawian na rin ng buhay nito lamang Linggo, Abril 4 bandang alas diyes ng gabi.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Labis ang paghihinagpis ng mga kaanak ng lalaki sa sinapit nito na sa kanilang pang-unawa ay dahil sa nangyaring parusa sa kanya sa paglabag sa curfew.

Samantala, sa panayam naman ng News5 kay Lt. Col. Marlo Solero ng General Trias Police itinanggi nitong may physical punishment tulad ng push-ups o pumping silang ipinapataw sa mga lumalabag sa protocols.

Read also

Raffy Tulfo, muling nanawagan kay DOH Sec. Francisco Duque; "Resign, c'mon!"

Pai-imbestigahan nila ang insidente at sakaling mapatunayang totoo ang sinasabing pumping na pinagawa sa mga inabot ng curfew, mananagot daw ang dapat na managot.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Lalaking lumabag sa curfew at pinag-pumping, na-coma ngunit pumanaw din
Screengrab from Adrian Luceña's post
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay nag-viral ang video na ibinahagi mismo ng isang delivery rider na hindi naihatid ang pagkain dahil hinarang na rin siya ng barangay tanod dahil sa oras na ng curfew na ipinatutupad.

Naging kontrobersyal pa lalo ang video nang iginiit ng babaeng tanod na hindi maituturing na "essential" ang lugaw gayong isa itong pagkain.

Mabilis itong nakarating sa Malacañang kung saan nilinaw mismo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kasama ang lugaw sa essential goods bilang isa itong pagkain at wala dapat makaantala sa operasyon at serbisyo ng mga tulad nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica