Barangay chairman sa video na hinarang ang mga delivery riders dahil "curfew" na, viral

Barangay chairman sa video na hinarang ang mga delivery riders dahil "curfew" na, viral

- Viral naman ngayon ang video ng isa umanong barangay captain na hinarang ang mga delivery riders dahil curfew na

- Nilinaw ng sinasabing kapitan ng barangay na hindi ibig sabihin na sinabi ni Roque na 24/7 ang operasyon at serbisyo ng mga pagkain ay kasama na ang mga delivery

- Aniya, ibinababa pa rin umano ito sa mga LGU at iyon daw ang napag-usapan nila na hindi kasama ang delivery

- Umani ito ng iba't ibang reaksyon sa mga netizens na tila naguluhan din sa nakitang senaryo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang viral na "lugaw is essential" video na nag-viral kamakailan, isa na namang video patungkol sa pagde-deliver ng pagkain sa oras ng curfew ang agaw-eksena sa social media.

Nalaman ng KAMI na isa naman mismong barangay chairman ang humarang sa ilang delivery riders ng kanilang lugar dahil bawal na umanong maghatid pa ng pagkain dahil "curfew" na.

Read also

Residente, pinakyaw ang 30 na inumin sa nalokong delivery rider at pinamigay sa kapitbahay

Sa video na binahagi ng News viral, makikita ang sinasabing kapitan ng barangay at ilang mga delivery riders na kanyang pinaliwanagan.

Barangay chairman sa video na hinarang ang mga delivery riders dahil "curfew" na, viral
Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Isang rider ang nagbanggit na mismong si Presidential Spokesperson Harry Roque na ang nagbigay linaw na 24/7 ang operasyon at serbisyo ng mga "essential goods" kaya naman patuloy pa rin ang kanilang delivery.

Ngunit ayon sa kapitan, depende pa umano ito sa mapapagkasunduan sa mga local government unit na sa kanilang kaso, ipinagbabawal na raw ang delivery ngunit bukas ang mga kainan.

"'Di naman komo dineklara ni secretary Roque, pinapadala pa rin yan sa LGU o sa province kung anong direktiba ng mayor"

Sinabi pa ng kapitan na iyon ang isa sa mga napag-usapan nila sa kanilang pagpupulong kaya naman pinayuhan niya ang mga delivery riders na sumunod sa curfew.

"Kayo dapat susunod kayo sa curfew!"
"Pero itong mga fast food kaya hindi isinasara para doon sa mga frontliners"

Read also

Raffy Tulfo, muling nanawagan kay DOH Sec. Francisco Duque; "Resign, c'mon!"

Umani ito ng samu't saring reaksyon mula sa netizens na aminadong naguluhan na naman sa patakaran ng pagpapa-deliver ng pagkain.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Medyo naguluhan na ako, naaawa kasi ako sa delivery rider. Tulong sa kanila iyong work pero baka naman mapahamak sila"
"Ano po ba talaga? sa tingin ko po mas tama pa rin ang sinabi ni Roque"
"Kawawa naman ang mga riders, kung naguguluhan tayo, mas naguguluhan sila"
"Kung ganoon po, bakit walang abiso sa mismong app na hindi na pwede within curfew hours?"
"Paano po kung ang mga medical frontliners ang magpapa-deliver ng food?"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Marvin Ignacio, desididong turuan ng leksiyon ang mga nang-harass umano sa kanya

Kamakailan ay nag-viral ang video na ibinahagi mismo ng isang delivery rider na hindi naihatid ang pagkain dahil hinarang na rin siya ng barangay tanod.

Naging kontrobersyal pa lalo ang video nang iginiit ng babaeng tanod na hindi maituturing na "essential" ang lugaw gayong isa itong pagkain.

Mabilis itong nakarating sa Malacañang kung saan nilinaw mismo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kasama ang lugaw sa essential goods bilang isa itong pagkain at wala dapat makaantala sa operasyon at serbisyo ng mga tulad nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica