Residente, pinakyaw ang 30 na inumin sa nalokong delivery rider at pinamigay sa kapitbahay

Residente, pinakyaw ang 30 na inumin sa nalokong delivery rider at pinamigay sa kapitbahay

- Isang mabait na residente ang nagmalasakit na pakyawin ang mga shake sa nalokong food delivery rider

- Nasa 30 na mga McDo shake ang dala ng rider na nanginginig na sa pag-iyak dahil sa nangyari sa kanya

- Matapos na bilhin ng mabait na residente ang shake, ipinamigay niya ito sa kanyang mga kapitbahay

- Umabot ng nasa 20 na mga delivery riders ang mga naloko ng fake booking at lahat sila'y libo-libo ang halaga ng mga dalang order

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nasa 20 na food delivery riders ng Grab ang nabiktima ng fake booking sa kabila ng pandemya at sa kabila ng paggunita ng Semana Santa.

Nalaman ng KAMI na labis na nanlumo ang mga riders na libo-libo ang halaga ng mga dala nilang pagkain.

Ayon sa post ni SheMae Ilano, ibinahagi nito ang nangyari sa kanilang kapitbahay kung saan dinagsa ng mga rider kahit hindi naman sila umorder.

Read also

Delivery riders, nanlumo dahil sa fake booking na umabot hanggang 15,000

Residente, pinakyaw ang 30 na inumin sa nalokong delivery rider at pinamigay sa kapitbahay
Photo from SheMae Ilano
Source: Facebook

Malinaw na fake booking ang nangyari na labis na ikinalungkot ng mga naghahanapbuhay na food delivery rider para sa kanilang pamilya.

"Imagine 20 tao na may pamilya ang niloko ng isang tao na walang magawa sa buhay?!"

Ayon pa kay SheMae, nakita talaga nila ang panlulumo ng mga riders kaya sinikap na lang nilang magka-kapitbahay na unti-unting bilhin ang mga pagkain bilang tulong sa mga nag-deliver at upang hindi na rin masayang.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Naibahagi rin niya na pinakyaw na rin ng isa nilang kapitbahay ang McDonald's shake ng isa sa mga riders dahil naiyak na talaga ito lalo na at matutunaw na ang mga order.

"Hinarang ko yung pang 16. Mcdo Shake na Grab ang order sa kanya na 30 pcs."
"Naiyak na si kuya at nanginginig kasi matutunaw uung inumin buti me mabuting tao na kamag-anak namin na pumakyaw at pinamigay sa mga kapitbahay"

Read also

Food delivery rider, nagulat sa libreng "palugaw" ng kanyang naging customer

Ang iba umanong mga riders ay mga kahon-kahong pizza ang ide-deliver sana na nagkakahalaga ng nasa Php5,000.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami ang nagsasabing isa sa maituturing na frontliners sa laban nating ito sa COVID-19 ang mga food delivery riders. Sila ang halos buwis-buhay na kumukuha at nagdadala sa atin ng ating mga pagkain habang ang marami sa atin ay nakapirmi lamang sa kanilang tahanan.

Nakalulungkot lamang isipin na sa kabila ng kanilang marangal na hanapbuhay ay may mga tao namang nagagawa silang lokohin.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang maging noon pang nakaraang taon 2020, madalas na rin ang mga fake booking na ginagawa sa mga food delivery riders.

Hiling ng marami na matigil na ang ganitong gawain at mabigyang aksyon ng kani-kanilang kompanya upang paano masisiguro na hindi na sila maloloko pa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica