Delivery riders, nanlumo dahil sa fake booking na umabot hanggang 15,000

Delivery riders, nanlumo dahil sa fake booking na umabot hanggang 15,000

- Isa na namang nakakapanlumong insidente ng fake booking ang nag-viral sa Facebook

- Mabilis na nag-viral ang post na nagbibigay babala para sa mga delivery riders na mag-ingat sa taong gumamit ng pangalan at address ng ibang tao

- Ayon sa nasabing post, umabot sa P15,000 ang kabuuang halaga ng lahat ng pagkaing inorder ng taong ito

- Makikita naman sa mga mukha ng mga delivery rider ang panghihinayang at panlulumo sa sinapit nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ikinagalit ng maraming netizens ang fake booking ng isang taong gumamit ng pangalan at address ng isang tao sa Pinyahan sa Quezon City.

Ilang mga delivery riders ang dumating sa address dala ang sangkatutak na pagkaing na-order sa pamamagitan ng mobile app.

Delivery riders, nanlumo dahil sa fake booking na umabot hanggang 15,000
A rider for GrabFood, Grab Holdings Inc.'s online food-delivery platform, collects an order from a restaurant (Photographer: Veejay Villafranca/Bloomberg)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Enforcer sa food delivery rider: 'Di bawal ang pagkain, pagpasok ng tao bawal'

Eto po ung vdeo ng mga grabfood na fakebooking . plss be aware po sa lahat ng food rider dyan block nyo na po ang 15 masigasig street brngay pinyahan. Name " harold agustin" " pero hnd po sya nag order non. ginagamit lng po yung adress at name nila.

Ito ay ayon sa Facebook user na si Zandro Nonato.

Marami naman ang nagpahayag ng kanilang pagkakadismaya at awa para sa mga riders:

Naku.. ingat po kayung mga rider, dahil ecq nanaman dame nanamang mang ttrip nian..
Sa gumawa nito may karma ka rin. Ayaw lumaban ng patas sandali nalang nalalabi mo welcome kana kay satanas.
Grabe ang sama!! sana tulungan sila nung mga taga jan hati hatiin nila bilhin yang mga yan..kawawa naman sila kuya.. nagtatrabaho ng marangal!

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Food delivery rider, nagulat sa libreng "palugaw" ng kanyang naging customer

Ang pagiging food delivery driver ay isa sa mga patok na trabaho sa kasalukuyan dahil sa kinakaharap na pandemya. Dahil sa mga lockdown ay nauuso ang pagbili ng pagkain sa pamamagitan ng internet. Dito sa Pilipinas, ilan sa mga kilalang food delivery service ay Grab food, Lalafood at Food Panda.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, naawa umano si MMDA spox Celine Pialago sa sinitang Grab driver at may sorpresa umano siyang balak ibigay.

Isa namang residente ng Quezon City ang hinuli matapos niyang kuhanin ang kanyang inorder na pagkain.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate