Food delivery rider, nagulat sa libreng "palugaw" ng kanyang naging customer
- Ibinahagi ng isang food delivery rider ang kabutihang ginawa ng isa sa mga naging customer niya
- Laking gulat niya na ang 10 order ng lugaw ay hindi na pina-deliver pa ng customer
- Sinabi kasi ng customer na para talaga ito sa rider at sa mga kasamahan pa nito bilang pasasalamat
- Aminado namang masaya ang mga riders dahil sa mayroong nagmamalasakit sa kanila na sa kabila ng ECQ, ay patuloy silang nagbibigay ng serbisyo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Viral ngayon ang post ng food delivery rider na si Jomar Daguman Cabuso tungkol sa isa nilang mabuting customer na nagpakain sa kanila.
Nalaman ng KAMI na ibinahagi ni Jomar ang naging conversation nila ng customer niyang si Rey Aren Nera.
Laking gulat ni Jomar na hindi na pinade-deliver pa ni Rey ang 10 order ng lugaw sa kanila.
Ani Rey, para raw talaga ito kay Jomar at sa mga kasamahan nitong food delivery rider.
Nabalitaan daw kasi ng customer ang nangyari kamakailan sa isang delivery rider na naging kontrobersyal dahil sinita sa pagde-deliver sana ng lugaw gayung hindi raw ito "essential goods" ayon sa barangay personnel.
"Kumain kayo kuya. Pasasalamat sa serbisyo niyo"
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Dahil dito, mababakas sa larawan nina Jomar ang saya nang malamang may isang mabuting customer na nagmamalasakit sa kanila sa kabila ng patuloy nilang paghahanapbuhay kahit nasa ilalim na ng ECQ ang greater Manila area.
Ipinakita rin ni Jomar ang larawan ng mga kapwa niya delivery riders na nabahaginan niya ng lugaw na bigay ng customer.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Nito lamang Marso 31 ng madaling araw nag-viral ang Facebook live ng delivery rider na si Marvin Ignacio na sinita ng mga barangay personnel sa Bulacan.
Giit kasi ng sinasabing tanod na hindi raw "essential good" ang lugaw na ide-deliver ni Marvin sa dis oras na ng gabi.
Mabilis na nakarating sa Malacañang ang viral video at nilinaw ni Presidential Sposkesperson na si Harry Roque na bilang isang pagkain ang lugaw isa ito sa mga essential goods.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh