Pahayag ng sinasabing brgy. personnel sa "lugaw issue", kalat na sa socmed

Pahayag ng sinasabing brgy. personnel sa "lugaw issue", kalat na sa socmed

- Kumakalat ngayon sa social media ang sinasabing pahayag umano ng barangay personnel sa "lugaw issue"

- Nakikiusap itong tigilan na ang pag-bash sa kanya at hiling niyang bigyan siya ng pagkakataong mabago ang pagkakamali

- Sa nasabing pahayag, sinabing natanggal na rin daw siya kanyang trabaho sa barangay

- Sinabi pa nitong isa lamang siya sa mga naging resulta ng kalituhan sa ipinatutupad na sistema sa ilalim ng enhanced community quarantine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na kumalat sa social media ang umano'y pahayag ng barangay personnel sa viral video tungkol food delivery rider na sinita sa pagde-deliver pa ng "lugaw" kahit dis oras na ng gabi.

Nalaman ng KAMI na isang Phez Raymundo ang umano'y naglabas ng kanyang saloobin bilang siya raw babaeng barangay personnel na nagbigay diin sa viral video na hindi maituturing na "essential goods" ang lugaw.

Read also

Harry Roque, nilinaw na isa sa mga "essential goods" ang lugaw, taliwas sa viral video

Pahayag ng sinasabing brgy. personnel sa "lugaw issue", kalat na sa socmed
Photo from Marvin Ignacio
Source: Facebook

Sa kumakalat na post, nakikiusap si Raymundo na tigilan na ang pag-bash sa kanya.

"Stop bashing me, give me achance to change my mistakes"

Inamin naman niya ang kanyang pagkakamali ngunit hindi raw ito sapat upang mahusgahan na ang buong pagkatao niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Sinabi pa nitong resulta lamang siya sa kalituhang sa ipinatutupad na sistema sa ilalim ng enhanced community quarantine.

"Kung meron lang tayong component task force para sa pandemyang ito, e di sana nagkaroon ng kalituhan at pagkakaiba-iba ng mga resolusyon na ipinatutupad."

Nabanggit din nitong agad na siyang tinanggal sa serbisyo ng kanilang barangay captain.

"Salamat pala Kap sa pagtanggal sa akin sa serbisyo, sa lahat ng magagandang nagawa ko sa ating barangay, isang pagkakamali lang, nawalan na ako ng hanapbuhay"

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Quezon City Mayor Joy Belmonte, nagpositibo muli sa COVID-19

Marso 31 nang mag-viral ang video na kuha mismo ng food delivery rider na si Marvin Ignacio dahil sa paninita umano sa kanya ng tanod ng Barangay Muzon sa San Jose Del Monte Bulacan.

Ang babaeng barangay personnel na sinasabing si Raymundo ang nagpaliwanag at nagbigay diin na hindi essential good na maituturing ang lugaw gayung isa itong pagkain.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Agad na nakarating sa Malacañang ang naturang issue at naglabas na rin ng pahayag si Presidential Spokesperson Harry Roque ukol dito.

Nilinaw ni Roque na dahil pagkain ang lugaw, "essential good" ang lugaaaw at tuloy pa rin ang operasyon at serbisyo ng mga kainan at food delivery services kahit nasa enhanced community quarantine ang "NCR Plus."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica