Quezon City Mayor Joy Belmonte, nagpositibo muli sa COVID-19

Quezon City Mayor Joy Belmonte, nagpositibo muli sa COVID-19

- Kinumpirma mismo ni Mayor Joy Belmonte ng Quezon City na tinamaan muli siya ng COVID-19

- Walong buwan na ang nakalipas nang una siyang magpostibo sa virus

- Dahil dito, pinaalalahanan niya ang publiko na huwag paring pakakampante at lumalaganap pa rin ang virus

- Hindi malala ang kanyang sintomas at kasalukuyan siyang naka-quarantine sa Hope Community Care Facility sa Quezon City

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpositibo muli sa COVID-19 ang alkade ng Quezon City na si Mayor Joy Belmonte.

Nalaman ng KAMI na mismong ang alkalde ang nagkumpirma ng kanyang kalagayan sa pamamagitan ng opisyal niyang pahayag na ibinahagi sa social media pages ng "Quezon City Government"

"Walong buwan mula nang ako ay unang mag-positive sa COVID-19, ikinalulungkot kong ibahagi sa inyo na ako ay muling nag-positive sa virus"
Quezon City Mayor Joy Belmonte, nagpositibo muli sa COVID-19
Photo: Mayor Joy Belmonte (Quezon City Government)
Source: Facebook

Dahil dito, pinaalalahanan niya ang publiko ng patuloy na pag-iingat tulad ng mga sinasabi ng mga doktor na hindi pa tuluyang nawawala ang COVID-19.

Read also

Doktor, emosyonal na ibinahagi na nagkukulang na rin ng mga gamot at pasilidad sa ospital

"Sa kabila ng matinding pag-iingat at paggaling mula sa virus noong nakaraang taon, ako ay nag-positive pa rin"
"Ito ay mahalagang tanda na hindi tayo maaring maging kampante kailan man pagdating sa sakit na ito."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Siniguro naman ni Mayor Joy na agad na nagsagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha niya para agad na maabisuhan ang mga ito.

Samantala, laking pasalamat pa rin umano ng alkalde na hindi malala ang kanyang sintomas ngunit nananatili siya sa Hope Community Care Facility sa Quezon City habang nagpapagaling.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Twitter ng Quezon City Government:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hulyo ng nakaraang taon nang ipaalam ni Mayor Joy Belmonte na nagpositibo siya sa COVID-19.

Read also

Jon Gutierrez, nag-react sa "paulit-ulit nalang mga palabas" post ni Skusta Clee

Nang mga panahong iyon ay asymptomatic siya at agad ding nagnegatibo sa virus makalipas ng dalawang linggo.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa ngayon, kabilang ang Quezon City sa NCR Plus na nasa ilalim ngayon ng enhanced community quarantine mula Marso 29 hanggang Abril 4.

Ito ay dahil sa walang humpay na pagtaas ng mga dumaragdag na kaso ng COVID-19 araw-araw na apat na araw nang hindi bumababa sa 9,000.

Katunayan, naitala ngayong araw ang pinakamataas na bilang na lumampas na sa 10,000.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica