Doktor, emosyonal na ibinahagi na nagkukulang na rin ng mga gamot at pasilidad sa ospital
- Nag-viral ang post kamakailan ng isang doktor tungkol sa umano'y kakulangan na ng mga gamot para sa COVID-19
- Dahil sa biglang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, biglang nagkulang na rin umano ang supply ng gamot at iba pang kagamitan sa ospital
- Kamakailan lamang ay kanya-kanya na ring anunsyo ang mga ospital sa Maynila na "full capacity" na sila lalo na sa mga COVID-19 cases
- Kaugnay nito, ngayong Marso 29 hanggang Abril ay muling sasailalim sa enhanced community quarantine ang "NCR Plus"
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Makabuluhan ang viral post ng doktor na si Claro Antonio kung saan ibinahagi niya ang isang pangyayari sa ospital kamakailan.
Nalaman ng KAMI na tungkol ito sa kakulangan na ng mga gamot, gamit at pasilidad sa ospital dala ng hindi na namang mapigilang pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa.
Sa post ni Dr. Antonio, naganap daw mismo ito noong Marso 22 ng gabi kung saan ang halos lahat ng sinabi niyang maaring makaapula sa kalagayan ng pasyenteng may COVID-19 ay wala na.
"Me: ma'amm paki-start na po remdesivir and dexamethasone
Nurse: doc company out of stock na po remdesivir
Me: pabigay na po first dose ng tocilizumab
Nurse: doc, wala na po toci. Baka April pa daw sabi ng pharmcy. Nagdedesat na siya ngayon doc"
Ilan lamang ito sa bahagi ng viral post ng doktor.
Sa panayam sa kanya ng GMA News, aminado siyang emosyonal nang tina-type ang post na kumurot sa puso ng mga netizens.
"I was crying when I posted that on Facebook, maybe out of frustration”
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Sa biglaang pagbulusok ng bilang mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa, hindi raw nila akalaing magkakaubusan na rin talaga ng mga kinakailangan nila para maibsan ang paghihirap ng mga nagpositibo sa virus.
“I hope it will not reach the point na, for example, may isang vial ka ng gamot and may lima kang pasyente. Kanino mo ibibigay?”
Dahil umano sa post, marami ang nagpaabot ng tulong kay Dr. Antonio na labis niyang ikinatuwa at humanga rin siya sa mga kapwa niya medical frontliners sa mga ospital na talagang nagtutulungan sa panahon ng pandemya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Mula Marso 13, hindi na bumaba sa 4,500 ang mga naitatalang karagdagang kaso ng COVID-19 kada-araw.
Sa ngayon, tatlong araw nang lampas 9,000 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 kada araw. Nitong Marso 26, naitala ang pinakamataas na bilang sa isang araw na halos umabot na sa 10,000.
Dahil dito, nag-anunsyo na si Presidential Spokesperson Harry Roque na sasailalim muli ang "NCR Plus" sa enhanced communtiy quarantine mula Marso 29.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh