Miss Grand International PH, lalong hinangaan dahil sa kanyang mga sagot sa Q&A
- Marami ang mas lalong humanga kay Samantha Bernardo, ang pambato ng Pilipinas sa kakatapos lamang na Miss Grand International 2020
- Sa ilang mga katanungan, mabilis, malinaw at makabuluhan ang kanyang mga naibigay na kasagutan
- Isang organizer ang nagpahinto pansamantala ng pag-aanunsyo ng nanalo upang magbigay pa ng isang katanungan sa mga kandidata
- Nakuha ni Bernardo ang 1st runner-up sa Miss Grand International 2020 na ginanap sa Thailand
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Super proud na naman ang mga Pilipino dahil sa karangalang naibigay ni Samantha Bernardo sa ating bansa nang tanghalin siya bilang 1st runner-up ng Miss Grand International 2020 sa Thailand.
Nalaman ng KAMI na marami ang humanga at bumilib kay Samantha lalo na sa mga kasagutan niya sa questiona and answer part ng pageant.
Kapansin-pansin na hindi lamang isa o dalawa kundi tatlong beses na tinanong ang mga kandidatang nakapasok hanggang top 3.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, dumating pa umano sa punto na ipinatigil muna ng organizer ang pag-anunsyo ng mga kokoronahan nang umabot na sila sa top 3.
Nagbigay pa muli sila ng katanungan na siyang binigyan ng score ng mga judges.
Ang tatlong finalist na kinabibilangan ng mga kinatawan ng Philippines, USA at Guatemala ay muling sinubok sa tanong na ito: "If there is only one dose of COVID-19 vaccine left and you have to choose who you give it to, either a 15 year old or a 70 year old senior citizen, which one would you give it to and why?"
Ang dalawang kalahok ay pinili ang kinse anyos habang ang pambato ng Pilipinas ay pinili ang 70-anyos na senior citizen.
"My heart goes to senior citizens because my mom is turning [into a] senior citizen. And I've experienced the loss of my dad four years ago, and I cannot afford to lose my mom. My heart goes to them because they are the most vulnerable during this time,"
Katwiran ni Samantha, kaya umano ng isang 15-anyos na maging malusog pa tulad ng pag-eehersisyo at pagkakaroon ng healthy living na limitado na lamang si senior citizen.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Bago pa ang Q&A na ito sa final 3, natanong din sila ng katanungang ito: "With the current COVID-19 situation, what would you choose? Shutting down the country for the safety of the people, knowing that the country's economy will be deeply affected, or opening up the country to keep the economy running and taking the risk of COVID-19 infections and consequences?"
At may paninindigan namang sinagot ni Samantha na pipiliin niya ang kaligtasan ng kanyang mga kababayan.
"I will always choose the people. Because without its people, a country will never be a country."
"We will never be the Philippines without Filipinos, you will never be Thailand without Thais. So it is a must that we should take care of our people first."
"I stand here for love, and peace, and unity, because there will always be a solution no matter what our problems in this life,"
"And I think if we come together as people, as one united world, then we can have a better place to live in. I hope after this pandemic of COVID-19, we can be better citizens."
Sa kabuuan, nagbigay karangalan talaga sa bansa si Samantha na bukod sa pagsungkit sa 1st runner-up title ay nakasama rin siya sa top 10 best in national costume at top 5 naman sa best in swimsuit.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Limang buwan na ang nakakaraan nang magwagi si Miss Iloilo Rabiya Mateo sa Miss Universe Philippines na ginanap sa Baguio City.
Kasalukuyan na ring naghahanda si Rabiya para naman sa Miss Universe na gaganapin sa Florida, USA sa May 16.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh