Alex at Toni Gonzaga, nilinaw ang tungkol sa blind item tungkol sa kanila

Alex at Toni Gonzaga, nilinaw ang tungkol sa blind item tungkol sa kanila

- Hindi inatrasan ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga ang mga kumakalat na mga tsismis tungkol sa kanila

- Kabilang na dito ang blind item tungkol umano sa kanila nang magpunta sila sa salon at mineral water umano ang gusto nilang gamitin sa kanila

- Ayon kay Toni, ang mga ganitong uri ng mga blind item at tsismis ay hindi kapatol-patol

- Sinagot nila ang mga ito habang nilalagyan ng make-up ni Alex ang kanyang ate Toni

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Palaban ang magkapatid na Alex at Toni Gonzaga sa mga binabatong tsismis sa kanila kamakailan.

Sa isang YouTube video na binahagi ni Alex, muli nilang ginawa ang paglalagay ng make-up ni Alex sa kapatid.

Alex at Toni Gonzaga, nilinaw ang tungkol sa blind item tungkol sa kanila
Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Video nina Coco Martin at Julia Montes sa Boracay, viral na

Pagbabalik-tanaw ni Alex, ang silid kung saan sila nag-shoot ang parehas na silid kung saan nila ginawa ang pinaka-unang video niya kung saan naglagay din siya ng make-up sa kanyang ate.

Pinasalamatan niya si Toni dahil sa suporta umano nito kahit noong bago pa lang siya sa YouTube at hindi ito nag-atubiling maging bahagi ng kanyang kauna-unahang YouTube video tatlong taon na ang nakakalipas.

Kabilang sa kanilang sinagot ay ang tsismis na gusto umano nilang dalawa ay mineral water ang gamitin sa kanilang buhok nang pumunta sila sa salon.

Imbes na sagutin ng diretsahan, walang kagana-gana umano si Toni na sagutin ang blind item na ito. Hindi umano kapatol-patol ang ganoong kasinungalingan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Alex Gonzaga ay ang nakababatang kapatid ng TV host na si Toni Gonzaga. Ikinasal siya kay Mikee Morada, isang businessman noong Nobyembre 2020. Bukod sa pag-arte at hosting, busy din siya sa kanyang vlog tungkol sa mga makeup tutorials at travel adventures.

Read also

Slater Young, ikinuwento ang insidente ng panloloob sa kanilang bahay

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa si Alex sa pinakamatagumpay na artistang naging vlogger. Sa katunayan, kamakailan lang ay umabot na sa 10 milyon ang kaniyang mga subscribers.

Ipinakita niya rin ang kanyang bagong sasakyan na nagkakahalaga ng mahigit isang milyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel