Slater Young, ikinuwento ang insidente ng panloloob sa kanilang bahay

Slater Young, ikinuwento ang insidente ng panloloob sa kanilang bahay

- Ibinahagi ni Slater Young ang isang insidente ng panloloob sa bahay nila na naganap apat na taon na ang nakakalipas

- Ibinahagi niya ang litrato na kuha sa CCTV footage at may hawak umanong baril at flashlight ang suspek

- Nananatili sa kanilang bahay ang nasabing lalaki sa loob ng 2-3 oras ngunit tumakbo umano ito nang nagising ang kapatid niyang babae

- Dahil dito ay naging mas maingat at sinigurado na ni Slater na makakatulog sila ng mahimbing sa kanilang bagong bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Slater Young ang insidente ng panloob sa kanilang bahay apat na taon na ang nakakaraan. Ayon sa kwento ni Slater, pinasok ng isang lalaking may dala-dalang baril at flashlight ang kanilang bahay.

Slater Young, ikinuwento ang insidente ng panloloob sa kanilang bahay
Slater Young (@thatguyslater)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Sharon Cuneta, emosyonal nang malamang naka-life support na lang si Fanny Serrano

Namalagi sa kanilang bahay sa loob ng 2-3 oras ang lalaking tumangay ng mga gamit mula sa kanila. Tumakbo na lamang umano ito ng magising ang kanyang kapatid na babae at nagkatitigan pa umano sila.

Dahil sa naranasan ay nakaranas ng trauma si Slater at hindi siya nakatulog ng maayos nang sumunod na mga gabi.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil dito, sinigurado niyang maging ligas ang kanilang bahay ng asawang si Kryz Uy at hindi na maulit muli ang kanilang dinanas.

Nagbahagi siya ng ilang mga tips para sa kanyang mga tagapanuod kung paano gawing mas maging ligtas ang kanilang mga bahay laban sa masasamang loob.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Slater Young ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang mapabilang siya sa mga PBB housemates kung saan siya ang hinirang ng big winner. Ikinasal siya sa influencer at vlogger na si Kryz Uy.

Read also

Social media influencer na si Jam Magno, pinagsabihan si Liza Soberano

Kahit hindi na aktibo sa showbiz, nasusubaybayan pa rin ng kanyang mga tagahanga si Slater sa pamamagitan ng social media. Kamakailan ay ipinakita ni Kryz ang actual footage ng pangaganak niya sa pangay na anak nila ni slater na pinangalanan nilang Scott Knoa Young.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel