Sharon Cuneta, emosyonal nang malamang naka-life support na lang si Fanny Serrano

Sharon Cuneta, emosyonal nang malamang naka-life support na lang si Fanny Serrano

- Hindi napigilang maging emosyonal ni Sharon Cuneta dahil sa kasalukuyang kalagayan ni Fanny Serrano

- Ayon sa Megastar, nasa life support na lang ito na nangangahulugang hindi ito makakahinga ng walang tulong ng makinang nakakabit sa kanya

- Hiniling din ni Sharon na sana ay maantay siya ni Fanny at mayakap man lang niya ito at mapaalala kung gaano niya ito kamahal

- Dagdag pa ni Sharon, tinuturing niyang para niyang sariling nanay ang stylist at makeup artist

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling ibinahagi ni Sharon Cuneta ang kanyang kalungkutan dahil sa kalagayan ng stylist at makeup artist na si Fanny Serrano.

Ayon sa Megastar, nasa life support umano ito ngayon na nangangahulugang ang mga makinang nakakabit sa kanya ang tumutulong para mapanatili itong humihinga.

Sharon Cuneta, emosyonal nang malamang naka-life support na lang si Fanny Serano
Sharon Cuneta (Photo by Enrique Soriano/Bloomberg)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Slater Young, ikinuwento ang insidente ng panloloob sa kanilang bahay

Hiniling din ni Shawie na sana ay mahintay siya nito para mayakap at mahagkan niyang muli si Fanny na itinuturing niyang parang nanay niya.

Puede mo ba ako hintayin na mayakap at mahalikan at ipaalala sayo gaano kita kamahal? Para na kitang Nanay...I love you so much

Hindi naiwasang banggitin ni Mega na kamakailan lang ay nakaramdam din siya ng matinding kalungkutan sa pagpanaw ng isang taong malapit din sa kanya, ang designer na si Rocky Gathercole.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa lamang si Sharon sa mga artistang bukas sa pagbabahagi ng kanyang saloobin at damdamin sa publiko sa pamamagitan ng social media. Nitong mga nakaraang araw ay naging emosyonal si Mega matapos niyang mapanood ang throwback na video ng duet nila ng anak na si KC Concepcion.

Read also

Fumiya Sankai, ibinahaging nagkaroon ng cerebral hemorrhage ang kanyang ina

Ipinagluksa niya rin ang pagpanaw ng sikat na designer na si Rocky Gathercole na naging malapit sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel