Miss Iloilo, kinoronahan bilang Miss Universe Philippines 2020

Miss Iloilo, kinoronahan bilang Miss Universe Philippines 2020

- Wagi ang pambato ng Iloilo sa ginanap na Miss Universe Philippines 2020 nitong Oktubre 25

- Matatandaang si Miss Iloilo, Rabiya Mateo rin ang nakasungkit ng Best in Swimsuit Award sa naturang pageant

- Si Gazini Ganados ang nagpatong ng korona sa pinakabagong Miss Universe Philippines 2020

- Sa 46 na mga kandidata, pinili ang top 16 hanggang sa mapili ang Top 5 na siyang nagkaroon ng pwesto mula 4th runner up, 3rd runner up, 2nd runner up, 1st runner up at mismong titulo ng Miss Universe PH 2020

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Miss Ilolo, kinoronahan bilang Miss Universe Philippines 2020
Photo from Rabiya Mateo's Instagram
Source: Instagram

Nagdiriwang ngayon ang mga Ilonggo at Ilongga dahil wagi ang pambato nilang si Rabiya Mateo sa Miss Universe Philippines 2020.

Nalaman ng KAMI na si Rabiya rin ang nakakuha ng Best in Swimsuit Award sa ginanap na preliminaries sa Baguio City.

Read also

Sandra Lemonon, hot topic matapos mag-post ng patama sa social media

Sa 46 na mga kandidatang nangarap na masungkit ang korona, si Rabiya ang mapalad na nagwagi at ang magiging kinatawan ng bansa para sa Miss Universe 2020.

Ayon sa Philippine Star, mula sa halos 50 na mga kandidata ay pinili ang top 16 hanggang sa top 5 na lamang sila na nagtunggali para makuha ang korona.

Samantala, ginawaran naman bilang 4th runner-up si Miss Cavite, Kimberly Hakenson. 3rd runner-up naman ang crowd favorite na si Pauline Amelinckx ng Bohol.

2nd runner-up si Michelle Theresa Gumabao ng Quezon City at 1st runner-up naman si Maria Ysabella Ysmael ng Parañaque.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon sa Rappler, ginanap ang coronation day sa Baguio Country Club ngayong Oktubre 25.

Ang Lunch Out Loud host na si KC Montero ang naging host ng prestihiyosong beauty pageant sa bansa.

Read also

Assunta De Rossi, maayos na naisilang ang kanyang "miracle" baby girl

Ang korona na tinawag nilang "Filipina" ay disenyo ng pamilyang Villarica ng Villarica Pawnshop chain.

Si Gazini Ganados ang nagpatong ng korona kay Rabiya bilang siya ang nagawaran noon ng Miss Universe Philippines 2019.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang pambato ng Bohol na si Pauline Amelinckx ang nag-uwi ng apat na awards kabilang dito ang Most Beautiful Face, Miss Creamsilk, Miss Downy Sweetheart, at Miss Cetaphil Sun.

Matapos ang naturang pageant, nagpaunlak ng panayam si Rabiya sa ilang news sites kung saan nabanggit niyang maging siya ay di makapaniwala sa nakamit na karangalan. Ito ay dahil alam daw niyang marami ang mas nakahihigit sa kanya sa paligsahan. Subalit, tila para raw sa kanya ang korona kaya naman ito ay ipinagkaloob sa kanya.

Dahil dito, naging emosyonal si Rabiya lalo na at marami na agad espekulasyon sa katatapos lamang na pageant at may mangilan-ngilang nagsasabi na may dayaan di umano na naganap.

Read also

Bayaning Nars Award, iginawad sa viral nurse na nagpaanak sa kalsada

Disyembre noong nakaraang taon nagsimulang tumanggap ng mga candidates para sa Miss Universe Philippines 2020 na sa kabila ng pandemya ay naituloy pa rin.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica