OFW, nagsulat ng nakakaantig na mensahe sa 'lovelock' sa Korea

OFW, nagsulat ng nakakaantig na mensahe sa 'lovelock' sa Korea

- Imbis na pangalan ng mag-asawa o magkasintahan ang nilagay ng isang OFW sa Korea, nakakaantig na mensahe ang naisulat niya sa "lovelock"

- Maraming netizens ang nadurog ang puso dahil sa naisulat ng OFW

- Masasabing ito raw ang patunay ng totoong pagmamahal dahil sa sakripisyong tinitiis para sa mga mahal sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang larawan ng 'lovelock' ng isang OFW sa South Korea.

Sa instagram post ng Inquirer, makikita ang kakaibang mensahe ng OFW na di lamang patungkol sa kasintahan o asawa.

Nalaman ng KAMI na kadalasan kasing pangalan lamang ng magkasintahan ang isinusulat sa lovelock na sumisimbolo sa pagmamahalang pang-habang buhay.

Nakasaad sa 'padlock of love' na ito ng OFW na sana raw ay tumagal pa siya sa Korea para sa kanyang pamilya. Sana rin daw ay kayanin niya ang mga pagsubok na darating sa kanyang buhay.

Ang agaw pansin pa rito ay ang katagang "Fighting!" na makikita sa unahan at dulo ng sinulat sa padlock.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Natunaw ang puso ng mga netizens sa kahilingang ito ng OFW na nagpapakita raw ng totoong pagmamahal para sa kanyang pamilya.

Matatagpuan ang mga lovelock na ito sa N Seoul Tower sa Korea. Dinarayo ito ng mga magkasintahan o mag-asawa upang "ikandado" ang pagmamahalan nila magpakailanman.

Kaya naman mas lalong hinangaan ang OFW na ito dahil sa pagmamahal sa pamilya ang binigyan niya ng simbolo ng pag-ibig.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Wanna see how Maine Mendoza and Carlo Aquino giggle while answering some tricky questions? Check this out!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel