Alex Eala, may diretsahang sagot sa reporter matapos ang panalo sa Hong Kong Open

Alex Eala, may diretsahang sagot sa reporter matapos ang panalo sa Hong Kong Open

  • Matapos talunin si Tereza Valentova sa Round of 16 ng Hong Kong Open, naging usap-usapan si Alex Eala nang sagutin niya ang isang reporter na nagsabing tila pagod siya habang nasa gitna ng laban at naging tampok sa press conference ang kanilang maikling palitan
  • Sa halip na simpleng sagot, tinanong ni Eala ang reporter kung iyon nga ba ang naging impresyon nito bago niya sinabing “Mukha din po kayong pagod eh,” dahilan upang magkaroon ng magaan na sandali sa harap ng media pagkatapos ng kanyang tagumpay sa torneo
  • Kasunod ng naturang palitan, ipinaliwanag ng Pinay tennis star na ang pakiramdam ng pagkapagod ay bahagi ng pagiging atleta at itinuturing niya itong isang biyaya dahil nangangahulugan itong ibinigay niya ang lahat ng kanyang makakaya sa bawat laban
  • Patuloy na umaani ng suporta si Eala sa international tennis scene habang ipinapakita niya ang kanyang determinasyon at disiplina sa kompetisyon, kabilang ang kakayahang harapin ang presyon at mga hamon sa loob at labas ng court

Read also

Cristy Fermin, nagpahayag ng pananaw sa pamantayan ng kagandahan

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Naging usap-usapan online ang naging palitan sa pagitan ni Alex Eala at isang reporter matapos ang kanyang panalo laban kay Tereza Valentova ng Czech Republic sa Round of 16 ng Hong Kong Open.

Alex Eala, may diretsahang sagot sa reporter matapos ang panalo sa Hong Kong Open
Alex Eala, may diretsahang sagot sa reporter matapos ang panalo sa Hong Kong Open (📷 Alex Eala/Facebook)
Source: Instagram

Sa press conference pagkatapos ng laban, tinanong si Eala ng isang reporter tungkol sa impresyon nitong tila pagod siya habang naglalaro.

Ayon sa reporter, “You seem to be very tired during the game that’s our impression.”

Sa halip na direktang sagutin agad ang tanong, binalikan muna ni Eala ang reporter.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Is that your impression? You tell me… Is that your impression?”

Kasunod nito ay nagbiro pa ang Pinay tennis star habang nakangiti.

“Mukha din po kayong pagod eh,” sabi ni Alex. “Are you tired? Are you tired. Aww, you should rest. You should have some rest I think”.

Nagkaroon ng magaan na sandali sa press conference matapos ang naturang tugon, ngunit agad ding ibinalik ni Eala ang usapan sa kanyang pananaw tungkol sa pagiging atleta at sa pagharap sa matitinding laban.

Read also

Marvin Agustin, muling kinilala ang restaurant sa Michelin Bib Gourmand

Ipinaliwanag niya na para sa kanya, hindi negatibong bagay ang mapagod matapos ang kompetisyon.

“I think being tired, just like what I told in my interview if you saw it… Being tired is a blessing, and of course when you face opponents like Tereza and as motivated as you are to win, you’ll give everything you have,” sey pa ni Alex.

Ibinahagi rin niya na bahagi ng buhay ng isang atleta ang pagbangon at muling paghahanda matapos ang matinding laban.

“So, I get tired, I recover, and I do everything to do it again. It’s a constant effort to do it again, and again, and again no matter whether you’re tired or you feel like you can climb Mount Everest,” dagdag pa nito.

Hindi naman natukoy sa ulat kung sino ang reporter na nagtanong kay Eala sa nasabing press conference.

Sa mga nakaraang buwan, lalong nakilala si Eala sa international tennis circuit dahil sa kanyang mga kapansin-pansing performance laban sa ilan sa mga pinakamahusay na manlalaro sa mundo. Bukod sa kanyang husay sa court, madalas ding mapansin ng kanyang mga tagasuporta ang kanyang pagiging kalmado at kumpiyansa sa mga panayam at media appearance.

Read also

Kris Aquino may banat sa netizen na naghanap sa 'boyfriend' ng anak

Bilang isa sa mga pinakakilalang atleta ng Pilipinas sa kasalukuyan, patuloy na sinusubaybayan ng mga tennis fans ang bawat hakbang ni Eala habang kinakatawan niya ang bansa sa iba't ibang internasyonal na torneo. Ang kanyang naging pahayag tungkol sa pagkapagod ay nagbigay rin ng mas malalim na pananaw sa dedikasyon at sakripisyong kaakibat ng pagiging isang world-class athlete.

Habang patuloy ang paglahok ni Eala sa mga prestihiyosong torneo sa iba't ibang bahagi ng mundo, marami rin ang nagiging interesado sa kanyang personal na karanasan bilang isang propesyonal na tennis player.

Sa ulat ng KAMI, ibinahagi ni Alex Eala ang hirap na kanyang pinagdaanan matapos ang isang masakit na pagkatalo sa isang torneo. Inamin niya na hindi naging madali ang pagbangon mula sa naturang karanasan, ngunit ginamit niya ito bilang motibasyon upang lalo pang paghusayin ang kanyang laro. Marami sa kanyang mga tagasuporta ang nagpahayag ng paghanga sa kanyang katatagan at maturity sa pagharap sa mga pagsubok.

Sa isa pang ulat ng KAMI, nagsalita si Eala tungkol sa pressure ng pagkatawan sa Pilipinas sa world tennis stage. Ipinaliwanag niya ang responsibilidad na kaakibat ng pagdadala ng watawat ng bansa sa bawat kompetisyon. Sa kabila nito, sinabi niyang nananatili siyang nakatuon sa kanyang mga layunin at sa patuloy na pag-unlad bilang atleta.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: