Anak ni Vandolf na si Quira Quizon, emosyonal na nagbahagi ng pinagdaraanan matapos ang diagnosis
- Ibinahagi ng 18-anyos na si Quira Quizon, anak ng aktor at konsehal na si Vandolph Quizon, ang kanyang personal na karanasan at saloobin matapos siyang ma-diagnose ng lymphoma
- Inamin ng dalaga na hindi naging madali ang kanyang pinagdaraanan dahil sa sunod-sunod na pagbisita sa ospital, gamutan, at mga gabing hindi siya makatulog nang maayos
- Sa kabila ng takot, pagod, at pagkakaroon ng mga pagkakataong gusto na niyang sumuko, nagpasalamat si Quira sa lahat ng patuloy na nagdarasal at nagpapakita ng malasakit sa kanya
- Bagama't hindi pa handang magbigay ng pahayag ang kanyang amang si Vandolph Quizon tungkol sa karamdaman ng anak, umaasa si Quira na makakabangon siya at maibabalik ang dati niyang buhay
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Nagbahagi ng taos-pusong saloobin ang 18-anyos na si Quira Quizon hinggil sa kanyang pakikipaglaban sa sakit na cancer. Nabatid na na-diagnose ang dalaga ng lymphoma, isang uri ng cancer na ayon sa clevelandclinic.com ay nakaaapekto sa "network of tissues, vessels and organs that help your body fight infection." Sa ngayon, hindi pa handang magsalita ang kanyang amang si Vandolph Quizon tungkol sa karamdaman ng anak.

Source: Facebook
Inilahad ni Quira kung paano nagbago ang kanyang buhay matapos malaman ang kondisyon. "Being diagnosed with cancer has changed so much about the way I see life. What I thought would be ordinary days became hospital visits, medications, procedures, and sleepless nights. There have been times when my body felt like it was giving up on me, when I was exhausted, and when uncertainty of everything became almost too much," pahayag niya.
Inamin ni Quira na marami siyang isinantabi bilang kabataan at may mga pagkakataong gusto na niyang sumuko. "I had to put so many things on hold. I missed out on moments I thought I’d be spending with friends, going to school, and just being young. It’s hard watching life continue as usual for everyone else while mine suddenly revolves around appointments, test results, and getting better. I won’t pretend that I’ve been strong every single day. I’ve cried, gotten frustrated, felt scared, and questioned why this had to happen to me. There are days when I don’t feel brave, and I’ve learned that I don’t always have to be," saad niya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Source: Facebook
Sa kabila nito, pinasalamatan niya ang mga taong patuloy na nagmamalasakit sa kanya. "Through all of this, I’ve also been reminded of the kindness people are capable of. To everyone who has checked up on me, sent messages, offered help, visited, included me in their prayers, or simply thought of me during this time, thank you. I may not always have the energy to respond or express just how much your kindness means to me, but please know that none of it has gone unnoticed. This journey has not been easy, and having people who continue to show up for me has made some of the hardest days a little easier to get through," ani Quira.
Umaasa si Quira na mananatiling matatag ang kanyang loob sa mga haharapin pang pagsubok. "I’m still figuring things out. There are still difficult days ahead, and I know healing isn’t something that happens overnight but I’m taking things one day at a time, hoping for better days and looking forward to the life waiting for me beyond all of this. I still have so much living to do, so many things to experience, and so many memories left to make. Here’s to better days, and to getting a little more of my life back," dagdag niya.
Si Quira ay anak ng aktor na si Vandolph Quizon at ni Jenny Salimao, at apo ng yumaong si Dolphy at ni Alma Moreno. Mas pinili niyang mamuhay nang pribado malayo sa showbiz. Samantala, narito ang iba pang mga ulat tungkol sa pamilya Quizon:
Sa isang panayam, ibinahagi ni Vandolph Quizon ang kanyang matagal nang hangarin na makausap nang personal ang pamilya ng kanyang namayapang kasintahan na si Desiree Raquiza. Pumanaw si Desiree matapos ang isang aksidente sa sasakyan na kinasangkutan nilang dalawa noong taong 2001. Ayon sa aktor, nais niyang humingi ng tawad at magkaroon ng kapayapaan ng isip para sa kanilang parehong pamilya. Nagpasalamat din siya sa pangalawang buhay na ipinagkaloob sa kanya matapos ang naturang pangyayari.
Nagkasama-sama sina Claudine Barretto, Vandolph Quizon, at Boy2 Quizon sa programang Fast Talk With Boy Abunda upang gunitain ang kanilang mga alaala kasama ang yumaong Comedy King na si Dolphy. Ibinahagi ng tatlo ang mahahalagang aral sa buhay at trabaho na natutunan nila mula sa beteranong komedyante noong magkakasama pa sila sa sikat na sitcom na Home Along Da Riles. Ayon kay Vandolph, malaking bahagi ng kanyang pagkatao at pagpapahalaga sa pamilya ang hinubog ng mga payo ng kanyang ama. Maraming tagahanga ang naantig sa kanilang masayang pagbabalik-tanaw sa naging legasiya ni Dolphy sa industriya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh



