Alma Moreno, may madamdaming mensahe para sa apo niyang si Quira Quizon

Alma Moreno, may madamdaming mensahe para sa apo niyang si Quira Quizon

  • Nagpaabot ng madamdamin at punumpuno ng pagmamahal na mensahe ang beteranang aktres na si Alma Moreno para sa kanyang 18-anyos na apong si Quira Quizon na dumaraan sa pagsubok sa kalusugan
  • Inamin ng aktres na napakasakit makita ang isang mahal sa buhay na nahihirapan, ngunit pinuri niya ang katapangan ni Quira sa kabila ng sakit at pagod na nararamdaman nito
  • Tiniyak ni Alma sa kanyang apo na hindi ito nag-iisa dahil buong-buo ang suporta, pagmamahal, at panalangin ng kanilang pamilya hanggang sa tuluyan itong gumaling
  • Nag-alay din ng isang taos-pusong dasal ang aktres upang humiling ng lakas, kaginhawaan, at pag-asa para sa dalaga sa gitna ng kinakaharap nitong laban

Nagbahagi ng isang nakaaantig na mensahe ang beteranang aktres na si Alma Moreno para sa kanyang apong si Quira Quizon na kasalukuyang nakikipaglaban sa karamdaman. Sa kanyang pahayag, pinuri ni Alma ang katatagan ng loob ni Quira na nagsisilbing inspirasyon sa marami sa gitna ng pinagdaraanan nitong pagsubok.

Read also

Kris Aquino, nagbahagi ng update sa kalusugan at pagbabago sa kanilang bahay

Alma Moreno, may madamdaming mensahe para sa apo niyang si Quira Quizon
Alma Moreno, may madamdaming mensahe para sa apo niyang si Quira Quizon (đź“·Kagawad Lacsamana Alma Moreno/Facebook)
Source: Facebook

Inamin ni Alma na mabigat sa kanyang kalooban na makitang nahihirapan ang kanyang apo, ngunit ipinaalala niya rito ang pagmamahal at dasal ng mga taong nakapaligid sa kanya. "Napakasakit makita ang isang taong mahal natin na dumaraan sa ganitong pagsubok. Quira, apo ko, sana maramdaman mo kung gaano karami ang nagmamahal at patuloy na nagdarasal para sa'yo. Araw- araw, walang sawang ipinagdarasal namin ang paggaling mo, Quira. Nandito lang kami, patuloy na nagmamahal, sumusuporta at lumalaban kasama mo. Ang strong mo, anak. Sa kabila ng sakit, pagod at lahat ng pinagdaraanan mo, patuloy kang lumalaban. Hindi man madali ang bawat araw, sana huwag mong kalimutang hindi ka nag- iisa sa laban na ito," pahayag ni Alma.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Alma Moreno, may madamdaming mensahe para sa apo niyang si Quira Quizon
Alma Moreno, may madamdaming mensahe para sa apo niyang si Quira Quizon (đź“·Kagawad Lacsamana Alma Moreno/Facebook)
Source: Facebook

Punumpuno rin ng pagmamahal na binigyang-diin ng aktres na mananatili sa tabi ni Quira ang kanilang buong pamilya anuman ang mangyari. Hinikayat niya ang apo na patuloy na kumapit at manalig sa Panginoon.

Read also

Maybelyn Dela Cruz-Fernandez at Japan photo niya, pinag-usapan online

Patuloy tayong manalangin at maniwala, dahil walang imposible kay Lord. May magandang plano si Lord para sa'yo. Laban lang, Apo ko! “We love you so much, Quira. Hindi ka namin bibitawan. Hanggang sa tuluyan kang gumaling, nandito lang kami," pagpapatuloy niya.

Nag-alay din si Alma ng isang panalangin para sa kalakasan at tuluyang paggaling ng kanyang apo.

Si Alma Moreno ay kilalang beteranang aktres sa pelikula at telebisyon at ina ng aktor na si Vandolph Quizon, na ama naman ng 18-anyos na si Quira. Kamakailan lamang ay nagbahagi si Quira ng kanyang saloobin tungkol sa pakikipaglaban niya sa sakit na lymphoma. Samantala, narito ang iba pang mga ulat tungkol kay Alma Moreno:

Binalikan ni Alma Moreno ang kanyang naging viral interview noong taong 2015 sa programang Headstart ni Karen Davila na nagdulot ng matinding emosyon sa kanya. Inamin ng aktres na labis siyang naapektuhan sa mga batikos na natanggap niya kaya umabot sa puntong umiyak siya mag-isa sa loob ng kanyang hotel room. Sa kabila nito, nagawa pa rin niyang bumangon at ipagpatuloy ang kanyang buhay at karera.

Read also

Grade 7 student sa Pangasinan, gumanti matapos pagtulungan ng 2 estudyante

Ibinahagi ng aktor na si Joey Marquez na napanatili nila ng kanyang dating asawa na si Alma Moreno ang malapit na pagkakaibigan para sa kapakanan ng kanilang mga anak. Ayon kay Joey, itinuturing na niya ngayon si Alma bilang kanyang matalik na kaibigan matapos ang lahat ng pinagdaanan nila noon. Hinangaan naman ng maraming netizens ang maayos nilang samahan at pagiging mabuting magulang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate